Chapter 22

27K 933 174
                                    



I Love You written by nicetoseeyouagain


Unang araw sa highschool. Bagong school, bagong teachers, bagong kaklase, bagong uniform at bagong mga mukha. Lahat ng mga nakakasabay kong maglakad papasok sa Crimson Academy ay excited na excited. May mga grupong lalaki na pinag-uusapan na makakuha ng magandang girlfriend habang ang mga grupong babae ay pinag-uusapan ang mga sikat na tao sa Crimson Academy, may mga couple rin na naglalambingan sa daan at may mga loner rin katulad ko.

Ako lang ata ang hindi excited na pumasok. Sa totoo lang, ayoko talagang mag-aral kaso kailangan mag-aral kaya napipilitan lang akong pumasok tapos nakakabitin pa ang bakasyon. Parang isang linggo lang nangyari ang bakasyon sa sobrang bitin. Sana bumilis ang panahon at graduate na ako para nasa bahay lang ako palagi. Mas gusto ko pang nasa loob ng bahay kaysa nasa labas.

Dapat nga maging proud pa ang mga magulang ko sakin dahil nasa loob lang ako ng bahay at wala sa labas na puro lakwatsa ang ginawa. Marami na kaya akong kilalang kabataan na maagang nabubuntis, mga lalaking mahilig makipagbasagang ulo at nagdru-drugs. Mas mabuti pa sa loob ng bahay, nakahiga ka lang habang nag-iinternet at kain, tulog lang ang gagawin. At least walang masamang ginawa kaysa sa ibang kabataan dyan.

Napabuntong hininga ako at inayos ang scarf na ginawa ni lola. Malamig ngayon kahit June palang, tag-bagyo na rin kasi ngayon kaya malamig.

"Yo!" may mabigat na kamay ang pumatong sa balikat ko. Tumingin ako sa salarin.

"Hoy nerd, ikaw pala." sabi ko sa kaibigan kong si Lorenzo Guevarra. Ang nerd na kaibigan kong laging binubully. 

Nakilala ko sya nung kasama ako ni Ate mag-enroll dito sa Crimson Academy. Hindi pa nag-uumpisa ang klase ay may away na nangyayari pero nasa tagong lugar 'yon. Napadaan lang ako roon at nakita ko silang binubully si Lorenzo, dahil mabait ako ay tinulungan ko sila. Hindi ako malakas pero may laban ako dahil may hawak akong kahoy noon. At boom! pagkatapos kong matalo ang mga bumully kay Lorenzo ay nakipagkaibigan ako sa kanya na ikinapayag nya naman.

Ngayon lang ulit kami nagkita simula nung nangyari.

"Ang tamlay mo naman, hindi ka ba excited?" tanong nya. Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko.

"Hindi." mabilis na sagot ko. Binulsa ko ang kamay ko sa jacket. "Ikaw excited ka na mabully?" ngising sabi ko sa kanya na ikasama ng tingin nya sakin.

"Okay lang, nandyan ka naman para ipagtanggol ako." ngiting sabi nya.

"Ang bading mo naman. Ayaw mong pumatol kaya ka binubully." sabi ko sa kanya. Mukhang mabait sya at matalino tsaka duwag kaya sya nabubully lalo na hindi nya ito pinapatulan.

"Hindi ako bading. Ang sabi sakin ni Mama ay wag daw akong papatol sa mga walang kwentang tao na mahilig lang manakit pero wala naman binatbat." sagot nya. Tinignan ko sya at natawa. "Oh bakit ka tumatawa dyan?"

"Ang lakas mong magsabi ng ganyan pero hindi ka naman lumalaban. Bakla!" sabi ko sa kanya at mabilis na tumakbo palayo sa kanya dahil alam kong gaganti sya sakin. Lakas makaganti sakin pero yung mga nambubully sa kanya hindi nya kayang gantihan. Bakla ata talaga 'tong si Lorenzo.

Dahil kakatakbo ko ay hindi ko napansin na may nakabangga na pala akong tao. Ang lakas ng pagkabagsak ko sa semento kaya napa-aray ako na medyo malakas.

"So-sorry ayos ka lang ba?" sabi ng nagsalita. Umangat ang tingin ko para lang mapanganga sa anghel na nasa harapan ko.

Wow ang ganda nya. Hindi ko maiwasan masabi 'yon sa isip ko. Syempre, nakakahiya na kapag sasabihin ko pa 'yon sa kanya.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon