"Shhh..tama na Lorenzo, napatawad na kita pero hindi mo maiiwasan na mainis ako sayo. Ikaw ang puno't dulo nito lalo na may anak ka ay nagawa mo pa rin ang lahat ng ito." sabi ko. Hindi rin naman magtatagal ang inis ko sa kanya dahil may pinagsamahan naman kami.

Napayuko sya. "Sorry talaga."

"Mahal na mahal mo talaga si Arch." sabi ko sa kanya. 

Tumingin ako sa mga mata nya na umangat ang ulo nya. Kita sa mga mata nya ang saya na sabihin ko iyon. Umiwas ako ng tingin.

"Super, unang kita ko pa lang sa kanya ay inlove na ako sa kanya." ngumiti ako dahil alam ko ang feeling na 'yon. "Pasensya na kung sakin mapupunta ang first love mo."

Natawa ako ng mahina. "Kung alam ko na sa umpisa palang na naaksidente sya, hindi ikaw ang mag-aalaga sa kanya sa panahon na 'yon."

"Mabuti nga ay hindi mo alam." ngumisi sya. Napasimangot ako.

"Saktan mo sya, ikaw ang masasaktan sakin Lorenzo." banta ko sa kanya. Natawa sya ng mahina na para bang nahihibang ako sa pinagsasabi ko.

"Yes ma'am." nakangiting sabi nya. "Sana maging masaya ka sa kanya, Maru."

Pinagmasdan ko sya, ilang segundo lang itinagal non at nauna na akong pumasok sa loob. Napangiti ako. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sakin si Acey na nakasimangot.

"Bakit ang tagal ninyo ah?" sabi nya habang nakapamewang sa harapan ko. Tumingin sya sa likuran ko. "Ano ginawa ninyo huh?"

"Napaselosa mo, sakin ka pa nagselos." sabi ni Lorenzo na nasa likuran ko.

Pinagmasdan ko si Acey habang nakikipagtalo ito kay Lorenzo. Magiging masaya nga ba ako sa kanya? Makakasiguro ba ako na hindi sya manloloko? Napailing ako sa naisip ko. Bakit hindi? wala syang ginawa kundi magpapansin sakin at mahalin ako simula pa nung high school kami. Kahit na nakakainis sya minsan, ginagawa nya lang 'yon para makuha ang atensyon ko. Napansin ko 'yon nung pumunta ako ng America at tsaka sinabi nya din naman 'yon sa libro. 

Tsaka hindi mahirap mahalin si Acey. Kung wala lang ako iniisip noon na isasalbang pamilya ay baka matagal palang gusto ko na ang taong ito kaso mas priority ko ang pamilya ko. Ayokong makaroon ng pamilya si Kevin na magkahiwalay ang mga magulang nya. Kahit na napakasakit ng ginawang pambabae ni Lorenzo, mapapatawad ko sya kung ititigil nya 'yon. Mabuo lang ang pamilya namin para kay Kevin.

Iniisip ko rin kung bakit hindi ko man lang kilala si Acey na kapatid ni Arch. Kilala ko si Ate Ayen at Kuya Ace dahil minsan na pinakilala sakin ni Arch ang dalawa pero si Acey ay hindi ko alam na kapatid nya pala 'yon.

Natatawa ako kapag naiisip ko ang mga nakasulat sa libro ni Acey, yung mga ginawa nya para magpapansin sakin. Iniisip ko kung nangyari ba 'yon dati pero hindi ko matandaan. Ang naalala ko lang sa high school ko ay si Arch, si Jelly, si Christian at ang iba pa.

Ang kulit lang ng reaction nya siguro nung mga time na 'yon dahil hindi ko sya pinapansin dahil sa libro palang ay banas na banas sya sakin.

"Babe!" sigaw sakin ni Acey. Hindi ko namalayan na nasa kwarto nya na pala kami. "Kanina ka pa tulala dyan." nagtatampong sabi nya kinalaunan.

"Sorry, may iniisip lang."

"Ano naman 'yon?" umupo sya sa tabi ko. "Nandito naman ako ah hindi mo na ako kailangan isipin pa." napa-poker face ako dahil ang hangin nya. 

Ngumiti sya sakin na napakatamis at hinila ako pahiga sa kama. Pumaibabaw sya sakin at sumubsob sa leeg ko. Gawain nya talaga 'to.

"Magpahinga na tayo. Bukas ay may pupuntahan tayo." sabi nya at nakiliti ako natumama ang hininga nya sa leeg ko.

KabitWhere stories live. Discover now