Untitled Part 16

Beginne am Anfang
                                        

Inilawan niya pareho ang pinto. Alin ang kakatukin niya? Alin doon ang kay Prudence? Kaliwa, kanan?

Kaliwa, "Prudence? Nand'yan ka ba?" Medyo nagulat pa siya sa sariling boses. Parang ang lakas, pati ang katok niya. Dahil sobrang tahimik sa loob ng bahay.

She tried the door.

Bukas agad. Hindi naka-lock.

Kama ang bumulaga sa kanya. Queen sized. Lumang style na spring mattress, halatang lugso na ang gitna sa manipis na bedsheet.Naka-ulo iyon sa dingding na may malaking crucifix.

Parang setting ng Exorcist, sa loob-loob niya pero agad iyong itinaboy sa isip...pero hindi siya nagtagumpay . Obvious na hindi kay Prudence ang silid. May lumang aparador , kahanay rin ng uluhan ng kama. Walang nakakalat na gamit. At,

Amoy Tiger Balm.

At may malaking arinola sa paahan ng kama.

Nagsitayo ang mga balahibo niya sa braso at parang...parang...guminaw.

Kinontrol niya ang takot. Walang basehan. Imahinasyon lang niya ang lahat. Walang multo. Walang nagpaparamdam.

Pero nararamdaman niya.

May presence sa silid.

Hindi siya nag-iisa.

Katabi niya.

Sa pangangatal, napatapat sa salamin ng aparador ang flashlight.

May katabi nga siya!

Iyon lang at nagtitili na siya pero hindi makatakbo palabas. Hindi niya maigalaw ang mga paa.

"Aaaaaaa! Aaaaaaaa!"

"Shhhh---" sabi ng presence. "Geraldine--"

Alam pa ang pangalan niya! Lalo siyang napatili.

"Geraldine!" Maawtoridad na ang tinig ng presensya. Hinawakan siya sa balikat. Kaya bang gawin iyon ng mga multo?

Now her mind was torn. Takot pa rin siya pero kilala niya ang tinig ng presensya at hindi iyon kay Miss Igarte. At the same time, ayaw ring tanggapin ng isip niya na dapat na siyang tumigil kasisigaw. Kailangan pa niyang sumigaw at matakot dahil mas logical iyon kaysa sa bagay na....naroroon rin sa silid si Cade.

"Geraldine. Stop. It's me." Sabi uli nito.

Kanda iling siya. Imposible iyon.

Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi, "Focus, look at me. Breathe."

She looked at him. Her mind started to wrap itself around what was happening.

"Good. Good." Wika pa ni Cade.

Biglang pinasli ni Geraldine ang mga kamay nito, "Ano'ng ginagawa mo dito?"

"May itatanong ako kay Prudence. Hindi n'ya sinasagot ang tawag ni Angela, so I came here. Bukas lahat. Gate, pinto. Pumasok na 'ko. narinig ko ang boses mo--"

"Hindi ka man lang nagtao-po?"

"Bukas nga ang gate, eh. Pati pinto. Paano kung may nakapasok na magnanakaw, I didn't want to give away my presence. Why are you here? Where is she?"

"Ewan." Nanguna siyang lumabas ng silid at iyong katapat naman ang sinilip.

Wala nang duda siempre, kay Prudence ang silid.

"She's not here." Aniya. Gulo-gulo ang single-bed, same spring type mattress. Ang cabinet ay iyong gawa sa plastic canvas na de-zipper ang pinto at nakabukas iyon halfway.

Nilapitan iyon ni Geraldine. May mga damit pa pero halatang may mga nawawala. May mga bakanteng hanger, kokonte na lang ang nakatiklop.

Narinig niya ang tunog ng light switch na pinindot. Lumingon siya. Cade was pressing the switch, "Wala silang koryente." Anito.

"Obvious ba?"

"Just..saying."

"Wala si Prudence. I need to find her nearest relative. Excuse me." Lumabas na siya, deretso sa front door.

"Wait. Ihahatid na kita." Habol ni Cade.

"'wag na. Salamat na lang."

"I don't get it." Anang lalaki sa likuran niya. "Bakit....ikaw pa ang galit?"

"Hindi ako galit."

Hindi sumagot si Cade.

Hinarap ito nI Geraldine, "Ikaw ang galit kaya akala mo lahat nang tao, galit."

"May karapatan akong magalit sa ginawa mo sa 'kin."

"Nag=-sorry na 'ko, di ba? Ayaw mong tanggapin. De 'wag." Ano, ibibili pa niya ito ng isang sakong cookies? "Ginawa ko lang ang tama. Hindi ko gustong pagbintangan ka. Nagkataon lang na ikaw ang itinuturo ng mga nalalaman ko. Mas hindi ko kayang magpatay-malisya na lang porke kakilala--kaibigan ko ang suspect. Kahit nanay kita, iimbestigahan pa rin kita."

"Okay, fine. Let me drive you home."

Ibig sabihin ba niyon, pinapatawad na siya? Bakit parang asar pa rin ang tono?

"Ano pala ang itatanong mo kay Prudence?" Tanong na lang niya.

"I'll tell you in the car."

Magkasunod silang lumabas ng gate. Paghinto niya sa tabi ng pinto ng kotse, huminto rin si Cade, sa likod niya at inabot ang door handle.

Siniko niya ito, "Wag kang dikit nang dikit."

"Wha--I'm no--" natigilan na ito dahil hindi makakatanggi, sinisiksik siya at halos nakayakap na sa kanya. "Uh--" umatras ito at umayos ng tindig, "That wasn't intentional, I swear."

Hudunnit SeriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt