Sabi ni Eric sa akin.
"Pupuntahan kita diyan sa school. Pupunta tayong airport. Susunduin natin siya."
Kay heto ako nasa covered court nag-hihintay sa kanya sabi ko kasi sa mother ko mag-mumusic lang ako pero nag-music talaga ako after kong maka-usap si Eric. Ang musika ay buhay ko rin. Kaya iyon.
"Uy. Eric." Shesh. Kilala ko yung boses na iyon... Hanggang sa may mas matangkad na babae na makintab na buhok at may sunglass na rayband sa katapat ng upuan ko sa table ko umupo.
"Lanne!" Halos mapahiyaw ako sa gulat. Ito nanaman yung ex-friend na iniiwasan ko. Ex-friend na pilit nakikipag-close sa akin. Ayoko na sa kanya. Naalala ko yung mga kamalasan na nangyari sa akin. Dinala niya ako sa Pinakanakakainisan kong sarili.
"Uh... Excuse me..." Sabay tayo ko at alis sa upuan. Ayoko na hindi pwedeng mawala ako sa sarili ko katulad non.
"Teka lang muna Adam!" Naramdaman ko na lang and kamay niya ay kumapit sa akin.
"Bakit ka ba umiiwas?! May ginawa ba akong mali?! Adam?!" Pinilit ko hang alisin and kamay niya na nakakapit pa rin sa akin.
"Ano ba?! Lanne! Tigilan mo ako!" Hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses ko. Pero gusto kong makawala sa pagkapit niya.
"Bakit di mo na ba ako mahal?!" Hindi ko naman... Hindi ko naman siya minahal. Wala kaming relasyon... Dati lang naming mag-kaibigan. Mali. Minahal ko pala siya pero binalewala niya ako. Niligawan ko siya pero wala eh... Binalewala niya pa iyon... Kaya... Walang kami. Walang tayo. Magkaibigan lang kami. Friends lang. At noon yun, ngayon wala na hindi na iyon mababalik pa. Sinaktan niya ako matapos niya akong balewalain. Siraan sa mga tao na kakilala ko or should I say batchmates. At hinayaan ang pag-mamahal ko para sa kanya ay mawala. Pinaasa niya ako sa una pero iniwan niya ako sa napakalamig na ere pagkatapos noon.
"Ano bang sinasabi mo? Para magkalinawan lang tayo wala tayong relasyon. Hindi kita minahal... Hindi naging tayo. Walang tayo. Hindi naging tayo. Kaya tigilan mo na ako!" At sa pag-kakataong iyon tinanggal na niya yung kamay niya sa kamay ko. Ewan ko ba kahit wala kaming naging-relasyon feeling ko ang guilty guilty ko.
Naglakad ako sa may gate at saktong dating ng black na BMW ni Eric.Binuksan niya yung pinto habang nakaupo parinsiya sa loob. Si pare talaga ang tamad tumayo.
"Pasok na Adam dali! Malelate na tayo kasiisang oras na lang arrival na nung ipapakilala ko sa iyo! Sa NAIA pa naman lalapag iyon at hindi sa Clark" Umakyat na ako sa kotse niya at umupo sa tabi niya at sinara ko ang pinto ng kotse niya.
"Ikaw ha Eric. Nambababae ka nanaman!"
Pinandar na ng driver niya yung kotse niya.
"Hindi no! May girlfriend na itong kaibigan mo at loyal sa kanya." Nanlaki yung mata ko. Hindi na ako updated sa kanya.
"Uy... Si bro ay pare na!"
Tumawa siya.
"Maganda siya pare... Pang miss Universe. Baka pwede pa siyang maging inspiration mo sa next book mo." Inspiration... Sus... Teka teka teka talagang teka... Paano nalaman nitong lalaking ito na nag-susulat ako?
"Bro. Alam mo nag-susulat ako?" Napa kunot noo ako at napatingin sa kanya.
"Naman Adam. Kanina ko nga lang nalaman eh." Sabah pinakita niya sa akin yung Instagram ko.
@AdamYourWriter
Nandoon ako nasa table at nakaupo for book signing sa Mall of Asia. Last week pa at a yun.
"Di mo sinabi na author at crimesolver ka na bro. Dinaig mo pa so Detective Conan! Except di ka na bata." Tawa niya. Buti nalang talaga kaibigan ko itong lokong ito.
YOU ARE READING
Unbreakable (Under Plot revision)
Mystery / ThrillerWalang mawawala kung maniniwala ka sa mga bagay na alam mo na kathang-isip lamang * * * * * Sa pagkakataong ito sigurado na ako. Kung maniniwala man ako sa kanyang sinasabi ay wala na akong magagawa pa kung ganoon nga. S...
