UNBREAKABLE III

79 3 0
                                        

Alam kong hindi matatahimik ang utak ko kung nasa iisang lugar lamang ako kaya nagdesisyon akong pumunta sa bookstore sa loob ng isang mini mall sa plaza at mamili ng libro. Hindi lang halata pero book addict ko. Pero hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa isang ediyang dumating lang sa utak ko ngayon ngayon lang.

Isang babaeng naka black and white terno na may lila at  with glitters sa kanyang blond hair. A silver dust on her shoes. And a face of a goddess with a blue iris and a perfect nose and lips with a nice cheeks that shapes her face perfectly. Lahat at perfect na sige... pero sa real world na ito at walang perfect. As if merong diyos o diyosa sa mundong ito.It maybe a good idea for writing.

Sa pamumimuni ko papunta ay hindi ko namalayang nabangga na pala ako sa poste. 

Tumingin ako sa paligid ko. Sana walang nakakita. Kasi kamalasan nga naman may nakakita. Isang grupo ng mga babae na tumatawa sa akin. Nakakainis naman oh. Mababangga na nga lang sa poste pa. Lumakad akong muli at iniwasan ko na yung mga poste na nais na maaring matama ko ang sarili dito at iniwasan ang pamuni-muni. Pinagdikit ko ang dalawang magkabilang dulo ng berde kong varsity jacket. 

Nag-lakad sa loob noon at mabilis akong nag-hanap ng librong kakailanganin ko para sa pang-book report ko. Gusto ko kasi maaga nang magawa iyon para wala na akong problema.

Nag-hanap ako ng classic novel na English... Les Miserables kaya? Hinanap ko sya at na shock ako... Ang mahal pala pero first volume iyon.  Romeo and Juliet na lang para di ako mahirapang mag-sulat ng plot noon tutal napag-aralan ko na rin ang play na yun. Classic din naman iyon eh.

Kaagad ko itong kinuha at nag-hanap naman ako ng modern book. Nag-hanap ako sa Romance section. Para naman ay maiba naman. Di puro mystery at puro pinapatay. Nakakakilabot minsan. Dumampot ako ng kulay black na libro na may patang ribbon na red di ko alam pero ang ribbon na red na iyon ay parang kakulay ng isang dugo. Tapos Eclipse ang title.

Wow! Mukhang may mystery din ito ah! Hahahaha.

Mystery addict talaga ako! Hahaha Mystery Freak? Pero di naman siguro. Hahahaaha

Kaagad akong tumungo sa counter para bayaran ang mga librong iyon.

Tiningnan ako ng babae sa counter na masama. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang expression ng kanyang mukha. Waring may kina-iinisan.

Ako ba o yung trabaho nya? Parang namimili lang po ate. 

Siguro sa trabaho pakiwari ko'y matagal-tagal narin syang nag-seserve para sa bookstore na ito. Halata sa kulubot sa gilid ng kanyang mata at sa bilis ng kanyang pagbalot ng plastic sa mga librong aking binili. At sinuklian nya ako. Kaagad ko itong kinuha at umalis. Nakaramdam ako na meronng mga matang nakatingin sa akin. Ewan ko kung ako lang o talagang merong paparazzi na humahabol sa akin. 

Kaya nakihalubilo ako sa maraming tao sa may entrada kaya parang nakalaayo narin ako siguro.

Tiningnan ko ang aking relo na binili ng ama ko sa France ng siya'y maimbitahan sa isang salu-salo kasama ng head ng Investigators noong ako'y bata pa lamang.

2:05 pm

Okay lang siguro kung umuwi na ako ay dalhan ko nalang muna kaya sila Mother and Father ng pagkain. Naglakad ako pa labas ng bookstore at tumungo sa coffee and cake shop na katapat lamang nito. Tama ang lokasyon ng coffee at cake shop kung tutuusin ang mga mambabasa ay maaring pumunta dito upang umorder ng kanilang iinumin at mag-basa. Kaagad akong tumungo sa loob nyon at kaagad naglakad patungong counter para bumili ng isang buong mocha cake at iced coffee. Hinintay ko ang order ko sa table 8 na itinake out ko sya.

Unbreakable (Under Plot revision)Where stories live. Discover now