Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad patungo sa may gate doon banda sa covered court at tiningnan ko sa gate kung nandoon na si Jenn ang mom ko kumakaway. Matagal-tagal rin hindi ako pwede lumabas ng walang kasama I understand kung bakit ayaw nya pa akong palabasing mag-isa pero lalaki ako at halos magbibinata na ako or rather binata na pala. Minsan dapat lalabas kami sa resort ng aking kakalase sa tita daw nya iyon at boy's day out sana iyon para sa aming mga magbababarkada kaso pinigilan nya ako kaya hindi ako nakapunta pero swerte naman kasi nacancel iyon dahil dagsa daw ang tao sa resort ng tita ng kaklase ko. At minsan din may ipinapakilala ako sa kanya na classmate ko iyon medyo ok naman sa kanya. Pero kung si Lanne ang pumunta sa bahay namin naku!, halos palaging welcome sa kanya iyong babae. Hindi ko alam kay Mom Jenn bakit ganoon pero nahalata ko sa mga tingin niya kay para bang gustong gusto nya na mapangasawa ko siya.
Alam kong hindi ako masyadong matalino ako at hindi rin masyadong heartthrob ako sa school pero sabi nila kasi may mga babaeng nagkakagusto sa akin pero pagnakikita ko sya parang nahihimatay na sya kaagad.
Hindi sa assuming pero alam ko na may gusto siya sa akin.
Pumunta ako kay Mom Jenn at sabi niya
"kamusta ang summer class mo? Ayos lang ba?" may pagaalala sa kanyang mga mata
"Ok lang po Mom. Nakita at nag-usap po kami ni Eric."
"Oh, iyong bestfriend mong pumunta sa Canada."
"Opo, pero po hindi ko po sya nakilala agad." Pagtigil ko para matapos na ang usapan tungkol doon.
"Ok" panghula ni Mom sa mukha ko at boses ko "hindi na kita tatanungin tungkol dyan. Sya nga pala nakita mo si Lanne? "
"Um, hindi ko po sya nahagilap bakit po nag-susummer class rin po pala siya?" ah alam ko na 'to mga salitang nasaisip ko
" Ah, oo" Tapos naglakad kami patungo sa bahay namin. Malapit lang kasi iyon sa school na pinapasukan ko.
Habang naglalakad kami sa shortcut na daanan namin, na kita ko ang kaklase ko sa summer class si Frederick. Ibinaba sa manson doon sa shortcut na daanan patungo sa aming bahay. Kumaway sya saakin at itinaas ko lamang ang aking kamay at lumingon hindi umiimik na itinaas iyon. At ibinaba ko rin agad pagkatapos nyang tumalikod habang tinitignan ako ni Mom Jenn.
Siya si Frederick Duplessis iyong mayabang sa loob ng classroom at mapang-asar pero seryoso at katulad ko isang mahusay na mag-hihighschool writer, palaging handa at mahusay mag-salita ng french. Galng kasi sya sa France at matagal na syang nakatira doon kaya iyon nasanay sya sa pagsasalita ng french. Hindi naman ako na nosebleed sa kanya kasi nag-aral din ako ng french at iba pang language pero syempre pinaka gusto ko ay ang Filipino na salita kasi mas naiintindihan ko iyon kesa sa ibang salita. Basta importante nagkakaintindihan at nagkakausap kami (minsan nga lang) at hindi sya nag-papakalayo sa amin.
Kinuha ni Mom ang susi ng bahay at biuksan ang pinto. Tinanggal namin ang aming sapatos saka ako nagtanong, "Mom possible ba iyong may maging maskman?" tanong ko sana hindi nya mahalata pls. "Oo, naman bakit bumalik na ba sya?" ish, nalaman nya detective syang babae kasi at sya rin ang inspirasyon ko para sumulat ng story. "Opo, siguro" Habang si Mom na katatapos lang nyang magbihis sa kwarto nya ay lumabas na at sa sinabing "Mag-ingat ka, at kapag nakita mo si 'maskman' na iyon sabihin mo saakin akong bahala doon" "Ok, po" naglalakad ako papuntang kwarto ko at sinara ko ang pinto ko ng dahan-dahan.
Nagbihis ako ng pambahay isang plain white t-shirt at isang pants na pantulog. Hindi kadalsan kong isinusuot itong damit ko dahil narin sa mga reporter na pumupunta sa bahay ko halos sinusuot ko noon ay ang ibiniling tuxido at kapares nitong pants ni dad Henry Luis. Humiga ako sa kutsyon at nagsasabi sa isip ko.
YOU ARE READING
Unbreakable (Under Plot revision)
Mystery / ThrillerWalang mawawala kung maniniwala ka sa mga bagay na alam mo na kathang-isip lamang * * * * * Sa pagkakataong ito sigurado na ako. Kung maniniwala man ako sa kanyang sinasabi ay wala na akong magagawa pa kung ganoon nga. S...
