'Di ako mataray pero pagdating sakanya talagang 'di ko mapigilan ang pagtirik ng mga mata ko.

"'Pag lagpas ng isa, madami na 'yon." Sinamaan ko siya ng tingin dahil talagang sumasagot pa siya.

"Kuya, ba't mo ba kasi naging kaibigan 'yan?" Sumabat pa ulit siya pero 'di ko na siya inintindi dahil nasipat ko si Avery palabas kasama ng mga kaibigan niya.

Huminto ako sa paglalakad at mabilis pa sa alas kwatrong nagtago sa likod ni Kuya. Kahit na mabigat siya ay talagang inipon ko ang lakas ko para gawin siyang human shield.

'Di niya ako pwedeng makitang haggard! Hindi ako makakapayag!

"Eri! What are you doing?!" Singhal ni Kuya.

'Di ko siya pinansin at napakagat na lang sa labi ko habang patuloy kong minamanmanan ang bawat kilos ni Avery sa malayo.

Nakikipagtawanan siya sa mga kasama niya. Ano kayang pinag-uusapan nila?

Grabe. Ang gwapo talaga! 'Yung ngiti niya, nakakahawa. Pwede siyang mag model ng toothpaste kung gugustuhin niya pero tingin ko 'di niya hilig.

Mahiyain kasi 'yon at baby boy. For sure, camera shy din pero kapag napasaakin na siya, 'di siya pwedeng tumanggi sa isang libong selfies.

"Eri! Stop pulling my uniform!"

Para akong lumilipad sa kalawakan habang pinapanuod si Avery. He's my crush ever since! Madami naman sila pero siya ang nagwagi. Ewan ko kung alam niya, 'di ko naman tinatago pero 'di ko rin pinapangalandakan.

Mga iilang kaibigan ko lang ang nakakaalam at ang buong dance troupe ng school.

"Wanted kapatid mo, Em?" Rinig kong pang-aasar ni Archeus.

"May ginawa ka bang kalokohan, Eri?" Hinarap na ako ni Kuya dahil sa sinabi ng demonyo niyang friend.

Paepal talaga kahit kailan!

"Kuya, wala!" I shouted.

"Eh ba't ka nagtatago?" Namula ang pisngi ko.

Close kami ni Kuya pero syempre 'di ko ikukwento lovelife ko sakanya! I can tell him anything but not this!

Napatingin ako sa likod niya kung saan naiwan nang mag-isa si Avery. Wala pa ba ang sundo niya? Kanina pa ang uwian namin ah.

Same year level kasi kami kaya alam ko kaso 'di ko siya classmate. STEM ang strand niya at ADT naman ako. Pinigilan pa nga ako ni Daddy 'cause he wanted me to choose a strand na connected sa business.

Sabi kasi nila hindi raw praktikal ang makukuha kong kinabukasan pag 'yon ang pinagpatuloy ko sa kolehiyo pero nasa sining talaga ang puso ko.. Saka kay Avery.

"Did you hear me, Eri?" Nahihiya akong umiling kay Kuya habang 'di inaalis ang tingin sa aking future asawa.

Napansin ko na sinundan ni Archeus kung saan nakapokus ang mata ko. After that, he smiled evilly.

"Hmm.. 'Di nagtatago pero may tinatago. Boyfriend mo? Ba't mukhang bakla?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Walanghiya talaga!

The Way We MoveWhere stories live. Discover now