"Doings na 'to, guys! Ganahan niyo naman! Ka'y lalamya?!"
Ang malakas na tugtog galing sa speaker ay dumadagundong sa buong sulok ng studio kasabay nang pagkaluskos ng aming mga rubber shoes sa sahig.
"Sa isip kayo magbilang! Dios mio Marimar! Kumain naman kayo 'di ba? Gayahin niyo nga si Eanthie!"
Habang umaalon ang katawan ko sa ritmo ng mabilis na kanta ay hindi ko napigilan ang pagtawa.
Natatakpan naman ng nasa unahan ang repleksyon ko sa harap ng malaking salamin kaya ayos lang.
"Eight, seven, six, five, four, three, two, one! Pose! Awra!"
Huminto ang musika.
At pagtapos ng ilang malalim na paghinga ay pabagsak kong ibinaba ang kanang braso ko mula sa aking ulo.
Hiningal ako ro'n! Ramdam ko rin ang pawis na tumutulo sa noo ko dahil wala namang air con dito.
"Bravo! Bellissimo! Bukas ulit, 4PM. Don't be late! Ang ma-late, alam niyo na!"
"Yes, Coach Roy!" Sigaw naming lahat.
Nagsimulang kumalat ang mga kagrupo ko sa studio, ang iba ay lumapit na sa kanilang mga bag at ang iba naman ay nakipagdaldalan na.
Sandali kong sinintas ang sapatos ko bago tuluyang lumapit sa kanina pang nang-aapura sa pagsasayaw ko.
"Water?" Tanong ni Kuya Emmett habang winawagayway ang isang itim na tumbler sa harap ko.
"Thanks, Kuya." Mabilis kong kinuha 'yon at sinimulang tunggain ang laman.
Buti na lang at may dala siya. Kanina pa ako inuuhaw, 'di naman ako makabili sa canteen dahil walang break ang practice namin.
Biglang natigilan si Kuya Emmett at ang katabi niyang sugo ni satanas na kasalukuyang tumatawa-tawa na ngayon.
"Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong ko at patuloy na uminom.
Inirapan ko si Archeus dahil kahit hinahangaan ang kagwapuhan niya sa school namin ay nauurat ako sa kapangitan ng ugali niya.
"Kanyang tumbler 'yan, Eri." Sabi ni Kuya.
Nanlaki ang mata ko at kahit na nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ay mabilis kong naibato 'yun sakanya.
Hindi pa sarado ang takip!
"Kuya naman! Ba't 'di mo agad sinabi?!" Singhal ko.
Ayoko ng kahit anong may kinalaman sakanya kaso imposible naman dahil best friend siya ni Kuya.
Tumawa ang dalawa dahil sa pagkabasa ng uniporme ni Archeus sa ginawa ko.
"Eh kinuha mo agad. Tinatanong pa nga lang kita para bilan kita sa canteen." Ani Kuya.
Nanlisik ang mata ko kay Archeus dahil nakangisi pa rin siya hanggang ngayon.
Apat na taon ang agwat namin pero hinding hindi ko siya tatawaging Kuya!
"Sa dami nang gustong makainom sa tumbler ko, ikaw lang ang nakagawa. Luge ka pa do'n, Eri?" He chuckled.
YOU ARE READING
The Way We Move
RomanceEanthie Ria Hulleza has a wild heart. A burning passion and positive outlook in life. She knows exactly what she wants. At her young age, she thought that when everything is well-planned, things will fall into place. What will happen if it doesn't...
