Chapter 9

300 16 12
                                        

"Eanthie! Are you out of your mind? Why would you involve yourself in a cat fight?!" Nangibabaw ang boses ni Mommy pagkauwi namin sa bahay.

Gabi na ngunit wala siyang pakialam kung magising man ang mga natutulog naming kasambahay. Doble-doble ang kaba ko dahil alam ko nang magagalit siya ng sobra.

I was right! She's really mad, very mad. Pulang pula ang mukha niya at halatang pinapakalma na lamang ang sarili pagkakita sa gusgusin kong itsura.

My Dad is standing beside her. Nakaalalay sa kanya habang hawak siya sa balikat.

Yumuko ako matapos humingi ng sorry. I admitted that I was at fault, too. Pero sinabi ko rin na si Nancy naman talaga ang nanguna at gumanti lang ako.

"No, Eri! I don't care kung sino pa ang nauna! My point is, you should've not stoop that low! Dahil ang pagpatol mo sa kanya ay magpapatunay lang na pareho kayo ng ugali!"

Riesa Hulleza is one hella finesse woman pero ngayon, halos 'di na niya alam kung paano ako pagsasabihan sa gano'ng paraan.

Everyone who is dearly close to our family knows that. Kaya naman expected rin ng ibang tao na katulad kong umakto si Mommy gayong si Daddy na ang kamukha ko.

They're all wrong. I'm not even a calm person. Paano pa kaya ang pagiging mahinhin like a fine lady?

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sakit talaga ako sa ulo! Sorry, Mommy!

"I didn't raise you to be like that, alright? Look at you.. Ang dami mong kalmot. Paano na 'yan? Debut mo na, 'di ba?" Salubong ang kilay ni Mommy habang nakapamewang.

I heavily sighed and hugged my arms tightly para hindi na niya gaanong makita ang mga sugat ko.

"I'm sorry, okay? Nadala lang ako ng emosyon, Mommy! Siya naman kasi—"

"Eanthie!" Her voice thundered.

"O-opo! Promise hindi na mauulit!"

"Ground her or something, Mom. Para magtanda." Lumingon ako kay Kuya na ngayon ay nakataas ang kilay.

Pinapatong niya ang bag sa sala at sinunod namang buksan ang mga butones ng kanyang polo.

"W-what?! No! Ano ba, Kuya! Stop giving her ideas!" I glared at him.

Inalis ang suot na black shoes para sana ibato sa kanya nang muli nanamang sumigaw si Mommy.

"God! Eanthie! Stop acting like a child! You're turning eighteen! Hindi ka na ganyan dapat kumilos!" Napahawak na sa sentido si Mommy.

I heard Kuya Emmett's laugh before proceeding upstairs. Nakakainis! Nananadya talaga ang isang 'yon!

"Tama na 'yan, Riesa.. Give her a rest. Ipagpabukas na lang. It's already late.." Ang kalmadong boses ni Daddy ang nagpakalma kay Mommy.

I looked at him and my grateful eyes twinkled. My savior! Gusto ko na rin kasing magpahinga! It's been a long day. Hinahanap na ng katawan ko ang malambot kong kama!

Tatalunin ko na sana ng yakap si Daddy kung hindi ko lang nakitang pumunas sa mata si Mommy. Wait, what? Is she crying?

I opened my mouth but words seem to be missing. Ganoon siya ka-stress? Dahil sa akin?

"Paano na lang kapag nawala na kami ng Daddy mo, Eri? Hindi pwedeng ganyan.." She whispered.

I suddenly felt bad. Ayaw ko pa namang naririnig ang mga katagang 'to galing sa mga magulang ko.

Gusto kong aluin si Mommy pero tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang magpatuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

Hindi siya madalas na ganito, siguro may pinagdadaanan sa trabaho o baka naman sobrang nag-alala talaga siya?

The Way We MoveWhere stories live. Discover now