"Ang kapal ng mukha! Kala mo naman ginto laway mo. Kadiri kaya! At saka don't call me Eri. Mga close ko lang ang tumatawag saakin no'n!"
Halos mamula ang maputi kong balat sa inis na nararamdaman.
"Okay, Eri." He grinned and licked his bottom lip.
Talagang inulit pa! Bwisit talaga!
"Give me your bag. Nasa gate na ang driver, kanina ka pa hinahanap nila Mommy sa'kin. Ako nanaman ang kinukulit."
Inabot ko kay Kuya ang bag ko saka nagpunas ng pawis gamit ang bimpo ko.
Paglabas ng studio ay sumalubong sa balat ko ang malamig na hangin sa school. Marami kasing puno dito kaya presko.
Ang mga tao naman sa hallway ay tila nahati sa gitna no'ng dumaan kami. Ang ibang babae ay naghagikgikan, siguro dahil sa dalawang kasama ko.
Parang ngayon lang nakakita ng mga college students ah!
"Nagpaalam naman ako, Kuya. Alam na nila 'yon." Hilaw ko siyang nginitian.
Ang totoo ay hindi ako nakapagpaalam kanila Daddy.
Hanggang ngayon, hindi pa rin yata sila sanay na after class lagi akong dumidiretso sa org ko. Member kasi ako ng dance troupe at sa biyernes may laban kami outside the school.
Sana manalo!
"Nagpaalam. Tss! 'Wag ako, Eri." Ngumuso ako at tinusok ang tagiliran ni Kuya.
"Kilalang kilala mo talaga ako eh 'no?" Pang-aasar ko sakanya.
Kuya Emmett and I are so close. Siguro dahil dalawa lang naman kaming magkapatid sa bahay.
Sabi nila magkamukha talaga kami at nagmana pareho kay Daddy Emerson kaya ang mga first name namin ay sakanya nanggaling.
I have the softer version of Kuya's features. Ang pinagkaiba lang talaga namin ay ang kulay ng balat dahil mestiza ako at may pagkamoreno naman si Kuya dahil sa hilig niya sa sports.
May ilang nagsasabi pa nga na hawig ko raw si Lily Collins no'ng teenager at kung magpapakulay pa raw ako ng buhok gaya ng kanya ay baka mapagkamalan na kaming kambal.
Kapag sinasabi nila 'yon, umiiling ako pero ang totoo niyan, kinikilig ako. Syempre! Diyosa kaya 'yon! Isang pribilehiyo ang masabihang kahawig niya.
"Pagdating sa bahay mag-explain ka kanila Mommy, sabihin mo na rin na baka late na ako makauwi mamaya." Ani Kuya.
"Bakit?"
"May pupuntahan lang kaming magkakaibigan."
"Saan?" Napatingin na sa'kin si Kuya.
Hindi naman ako matanong na tao pero dahil kasama niya ang demonyong si Archeus ay mabuti nang makasigurado. Baka kung saan pa niya dalin ang Kuya ko 'no!
"Ang dami namang tanong, Eri." Archeus smirked.
"Anong madami do'n, dalawa lang 'yong tanong ko!" Inirapan ko siya gaya ng palagi kong ginagawa sakanya.
YOU ARE READING
The Way We Move
RomanceEanthie Ria Hulleza has a wild heart. A burning passion and positive outlook in life. She knows exactly what she wants. At her young age, she thought that when everything is well-planned, things will fall into place. What will happen if it doesn't...
Chapter 1
Start from the beginning
