"Chess, ikaw ba?" Khalil.


"Wow, genius ka talaga! Wala akong sinalihan eh, I hate sports."


"Ang dungis mo kumain alam mo yun?" Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at pinunasan yung may sauce sa gilid ng bibg niya, "Ayan wala na! Ang bata mo kumain haha!"


"Haha.. Eh di ko naman kasi alam." Khalil.


Tiningnan ko yung phone ko, "Huy una na ako ha? Baka hinahanap na ako ni Mudra ko.. Kitakits na lang."


"Sige. Ingat." Khalil.


"Thank you sa libre! Ingat ka rin!"


May natanaw akong kotse sa harap ng bahay namin kaya ibig sabihin may bisista si Mommy.


Papasok na ako sa bahay pakanta kanta pa ako..


"Sa Umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas.. Hinahanap hanap kita." Binuksan ko na yung gate..


"Hinahanap hanap kita.." Binuksan ko yung door knob.


"Oh anak pakanta kanta ka pa diyan kumain ka na ba? Oh andito pala si Tita Karla mo.." Nakakahiya narinig nila yung boses ko.


"Hello po Tita good evening po.. Ah Mii busog pa po ako eh.. Sige akyat na po ako.."


"Anak magiging kapit bahay na natin sila Tita mo... Sila yung bagong lipat sa tapat natin.." No way....


"Ahh bakit po?" Tanong ko.


"Eh kasi para daw malapit sa'tin tutal naman daw lagi daw sabay dumating yung Daddy mo at yung asawa ni Tita mo.." Mommy.


"Edi kasabay ko na pumasok si Daniel?" bulong ko.


"Oo.." Narinig pala ni Mommy, "Crush mo siya noh?"


"Mommy, hindi."


"Sige na nga, punta ka na sa kwarto mo at alam kong pagod ka."


Habang nagha-half bath ako.


Mahal ko na nga ba si Daniel? Parang ang bilis kasi.. Baka sabi lang ng isip ko yon.. Aisshh ewan! Hindi ko alam! Kainis! Pero pag nakikita ko siya bumibilis tong tibok ng puso ko. Tapos tuwing kakausapin niya ako feeling ko tutumba na kasi malapit na ako mahimatay, kasi hindi ako makahinga. AISH!! HINDI KO ALAM!!


"WAHHH!"


"Oh anak problema mo diyan?" Mommy.


"Akala ko may-ipis eh."


"Ang arte mo talaga anak." Mommy.


Nakaharap ako sa mesa kasi pinilit ako ni Mommy na kumain. Nakakahiya naman daw kasi kila Tita Karla na hindi ako sumabay sa kanila.


"Kath papasok ka ba bukas?" Tanong sa'kin ni Tita Karla.


"Ahh hindi po wala naman po akong sinalihan na laro eh." Sabi ko naman.


"Ay ganun ba? Pasasamahan ko sana sayo si Daniel.. Eh hindi ka naman pala papasok." Magde-date po ba kami, Tita? :""") joke. -__-


"Ganun po ba. Wala rin naman po akong gagawin bukas kaya pwede ko pa rin po siyang samahan."


"Nako wag na."


"Okay lang po. Kaya lang po magji-jeep lang po kami. Wala po kasi yung service eh."


"Sige na nga mapilit kang bata ka. Salamat Kath."


"Wala po yun.. Sige po akyat na po ako sa taas."


Makakasabay ko na siya araw araw? Waaahhh! Ang swerte ko talaga oh!


Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin, "Kathryn hindi mo kailangan magpaganda dahil maganda ka na."


Sumilip ako sa bintana ko kung nasa baba na si Daniel, at tama nga ako nasa labas na siya.


"Oy andito ka na pala.. Pupunta sana ako sa inyo eh.." Echos mo Kathryn eh ang tagal tagal mo nga nakaharap sa salamin. -___-


"Andito naman na ako eh. Tara na." Daniel.


"Tara."


Habang naglalakad kaming dalawa nauuna ako. -__- ano ba yan paano kami mapagkakamalan na mag-boyfriend/girlfriend kung hindi kami sabay. -___-


"Kath pwede paki bagalan ang lakad. Ang bilis mo eh." Daniel.


"Ah sige." Huminto naman ako at siya naman ang nauuna ngayon.


"Ikaw naman ngayon yung mabagal? Sabay tayo.." Tapos ngumiti siya sa'kin. Gusto ko ng malusaw sa ngiti niya.


Nung nakarating na kami sa abangan ng jeep agad akong umupo sa loob ng waiting shed.


"Pag-kahatid mo sa'kin uuwi ka agad?" Daniel.


"Oo wala naman akong kasama dun eh."


"Ako, kasama mo ako diba?" Daniel.


"Ikaw? So magi-stay ako doon? Ayoko nga. Nakaka-inip."


"Hindi ka naman maiinip doon eh kasi sandali lang ako tapos pagkatapos ko gusto mo mag-mall tayo o uwi na lang tayo agad." Daniel.


MAGMO-MALL KAMI!? AS IN KAMING DALAWA LANG!? ETO NA BA YON!? MAGDE-DATE NA BA KAMI!?


******


VOTE AND COMMENT PO THANK YOU

Crazy Little Thing Called LoveWhere stories live. Discover now