Kinagat ko ang labi dahil nasa amin na ang lahat ng atensyon. May mga flash ng camera at bulung bulungan ng iba’t ibang tao. Yumuko ako.

“I’m… s-sorry.” Pumatak ang luha ko.

“Mika, you don’t have to say sorry—”

 

“I’m sorry, Auntie Kristin pero mahal ko po ang anak ninyo.” Putol ko kay Vincent. “Gaya niya, noon pa mahal ko na siya. Limang taon na ang nakalipas pero mahal ko pa rin siya. Mommy, Daddy, Lolo, sorry to disappoint you but yes, I had a relationship with my professor. Pero…” tiningnan ko sila isa isa. Isinama ko na si Terrence na tahimik lang at tulala. “Matagal na 'yon 'di ba? Graduate na ako. Hindi na siya nagtuturo. Hindi na bawal 'di ba?”

Humigpit ang kapit ko kay Vincent. Nanghihina ang nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba at takot na baka hindi nila kami tanggapin bilang dalawang taong nagmamahalan.

“K-kaya nga ako umalis noon. Kasi… a-alam kong bawal. Hindi pa pwede. P-pero ngayon…” tumingin ako kay Dad. “Daddy, pwede na 'di ba? You’ll allow me this time. You promised me.” Humingi ako ng simpatya sa kanya at napangiti sa luha nang tumango siya.

“Mommy, can you give this to me? Just this? Pwedeng akin naman 'to? Kayo na magdesisyon ng buong buhay ko pero 'wag ang taong mamahalin ko, please?” magkasalubong ang kilay ni Mommy. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Payag ba siya o hindi? Hindi ko alam.

“Lolo, you supported me with everything. Pwede bang isali mo na 'to sa mga 'yon? Mahal na mahal ko talaga si Vincent. He’s the only man I’m capable of loving. Wala ng iba.” Iling ko. “Siya lang…”

Narinig ko ang singhap ni Vincent sa tabi ko. Tiningnan ko siya at nakatingala siya na parang nagpipigil ng pagpatak ng luha.

“Auntie Kristin.” Napatingin sa akin si Auntie Kristin.

Ngayon ay hindi ko na maintindihan pa ang mga mata niya. Hindi na iyon galit. Hindi rin naman naaawa.

“Do you still remember what you told me when we were at the coffee shop?” nginisihan ko siya. “Sabi mo, nakatakas ka sa mga responsibilidad mo noon dahil pinakasalan mo ang lalaking mahal mo. I don’t know what you mean by that but I understand one thing. Kung 'yong sa part na lalaking papakasalan, I can only think of one man, Auntie Kristin. And he’s your son, Vincent Adrian.” Tinaas ko ang kamay kong hawak ni Vincent.

Nabaling siya sa akin at tiningnan ang magkasalikop na mga kamay namin. Pumatak na ang luha na pinipigilan niya kanina.

“He’s the man, Auntie Kristin. The only man I want to spend the rest of my life with.” Tila malaking bato ang natanggal sa lalamunan ko nang masabi ko ang lahat ng nasa puso ko.

Ito na ang paninindigang sinasabi ko. Sana nakita nila kung gaano namin kamahal ni Vincent ang isa’t isa. Kung hindi sila pumayag, lalaban pa rin ako. Handa ako sa mga haharapin naming hirap ni Vincent. Masakit ang hindi matanggap ng pamilya kaya gagawin ko ang lahat para lang matanggap nila kami.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now