Chapter 34

8.6K 182 1
                                    


Kanina pa ako tapos maligo pero hindi parin ako lumalabas sa banyo. Kinakabahan kasi ako kapag tinanong nya na ako.

*flashback*

Palabas na sana ako ng Apartment ni claze ng bigla syang nag salita.

"Dito kana maligo marami pa akong ipapagawa sayo at ..." huminto ito sa pag sasalita kaya hinarap ko sya.

"A-at a-ano?" Kabadong tanong ko.

"Pag uusapan" saka nya ako tinalikuran.

*end of flashback*

Suot ko ngayon yung damit at pajama ni claze dahil wala na akong malinis na damit sa kabilang kwarto buti na lang at may mga undergarments pa akong natira.

Tinupi ko ang padjama ni claze dahil sumasayad iyon sa sahig at saka ko tinuck-in ang damit. Ang laki kasi mashado sa akin.

*tok*

*tok*

*tok*

Hala galit na sya. May balak na yata syang sirain yung pinto.

"How many hours you'll stay in that f*cking bathroom?!"

"L-labas na!" Sigaw ko.

Tumingin muna ako sa salamin at nag inhale, exhale. Pagkalabas ko ay tumambad sa akin si claze na naka-poker face at naka-cross arm

"Finally, you're done!" Asik nya at tinalikuran ako.

Lumabas na kami sa kwarto nya at laking tuwa ko ng pumunta sya sa pinto hudyat na aalis sya.

'Yey! Makakapag isip pa ako ng plano para sa itatanong nya. At may posibilidad na makalimutan nya.' Pag didiwang ko sa isip ko.

"Bye, boss. Mag ingat ka!" Sigaw ko.

Nag tungo na ako sa sala at naupo. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nag laro ng candy crush. Grabe nakakaadik pala ito.

Nagulat naman ako ng biglang lumutang sa ere yung cellphone at paglingon ko sa likod ay hawak pala ni claze yung cellphone.

"A-akala ko ba aalis ka?" Takang tanong ko.

"Did i say that?" Sarkastikong sabi nito.

Umiling naman ako. Wala nga pala syang sinabi.

"C'mon we''re going to market" Sabay bulsa nya nung cellphone ko.

"T-teka paano yung suot ko?" Sabay tingin ko sa damit ko.

Napatingin naman sya mula ulo hanggang paa ko at ngumisi "What's the matter? Bagay naman sayo" natatawang sabi nya.

"Wala akong tsinelas" Sabay baling ko sa paa ko.

Hindi naman pwedeng suotin ko yung sapatos ko. Errrr----

"Pft-- you have a lot of problem" Natatawang sabi nya at umakyat sa kwarto nya.

Bumaba naman agad ito at dala-dala yung tsinelas na ginagamit nya minsan pag lumalabas sya.

"Ayoko nyan!"

Inilapag naman nya sa harap ko iyon at sapilitang isinuot sa akin. Napaawang ang bibig ko dahil sa ginawa nya. Pinagpagan nya pa ang paa ko bago isuot iyon. Tumayo naman sya kaya tinignan.

"Hindi ba bagay sayo?" Tanong nito ng naka-poker face.

Hindi si claze ang nasa harap ko. Ibang tao ito. Hindi ko sya kilala.

"Staring at me is rude, stupid. Lets go!" Sigaw nya.

"Ayan si claze" bulong ko dahil sa pag susungit nya.

Slave by the Cold Blooded KingWhere stories live. Discover now