Capitulo Cuarenta y Siete: Take a Chance

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong kinabahan. Nanlamig bigla ‘yung kamay ko, parang gusto kong magback-out. Baka kasi hindi ko masabi mamaya ng diretso at maunahan ako ng kaba. Para tuloy akong tangang nakatayo dito habang umiiiling-iling.

Pagtingala ko ulit at pagtingin doon, I saw Angelo sitting there beside my Dad. What? Why? Huh? Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin. Baka kasi makita niya ako. Hindi naman kasi nila kami napansin pa.

“Baby, what are you doing? They’re waiting. Tara na,” sabi bigla ni Mommy.

"A-Ah M-Mommy... P-Pupunta lang po muna ako sa comfort room. S-Susunod na lang po ako," medyo nauutal ko pang sabi. 

"Are you alright? You look pale? O sige na, hurry up. Mauuna na ako."

"Yes, Ma," sagot ko.

Nagmamadali akong pumunta sa comfort room. Walang tao dito. Pinatong ko 'yung hand purse ko sa tabi at tulala lang na nakatitig sa salamin. Nakakastress! Gusto ko sanang maghilamos kaso masisira 'yung light make-up na linagay ko.

Napabuntunghininga ako at hindi mapakali dito, palakad-lakad tuloy ako. Pilit kong kinakalma 'yung sarili ko. Makalipas ang ilang sandali, naisipan ko na ring lumabas. Nakayuko akong naglalakad palabas dito sa hallway ng CR nang biglang may humila sa akin.

"Ano b--"

Natigilan ako nang makita ko kung sino 'yun.

Si Daniel...

He was pressing me against the wall. Hawak niya 'yung magkabilang braso ko. Ang higpit ng hawak niya, halatang galit. He wasn't smiling. Nakakunot 'yung noo niya at ang sama ng tingin sa akin. Ako naman natatakot na pero nakapokerface pa rin. Aba naman, galit din ako sa kanya. Leche niya.

"Chan--I mean Cara? What are you doing here? Why aren't you answering my calls and messages? Bakit mo ako pinatayan ng phone! Sorry for the word but... goddammit Cara! What's wrong?! Sabihin mo sa akin, hindi 'yung pinagmumukha mo akong tanga! I can't read your mind for goodness sake! Bakit m--"

E 'di ayan tumigil rin siya. I just kissed him and pushed him on the other side of the wall. Aggressive? Nah...just to shut him up. Akala niyo lalaki lang gumagawa nu'n? 'Di 'no, kaya rin ng babae. Ayan, natameme tuloy siya. Patuloy ko pa rin siyang hinahalikan pero tulala pa rin ang unggoy. Ewan ko kung anong sumapi sa akin at nagawa ko 'to. Ang saya palang mangtrip.

Makalipas ang ilang sandali, napahawak na siya sa may bewang ko. Nadala na yata. Napapikit siya, napapikit na rin ako. He suddenly kissed me back. Para akong nakuryente na hindi ko maintindihan. I felt shivers ran down my spine and it was amazing. Parang nakalimutan ko ang lahat, tumigil 'yung oras. Nawala bigla 'yung galit ko sa kanya, naglaho na parang bula. Humigpit 'yung hawak ko sa may shirt niya.

Our lips moved in perfect harmony, it was like the universe disappeared and we're floating in mid-air. No other people, no worries, no problems, just us...  the two of us, happy and contented. We were lost in the moment, we were out of control. Hindi na namin alam kung anong nangyayari, lunod na lunod na kami.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon