"Halika rito, Raen," mahinang utos ng papa niya na agad naman niyang sinunod.

Nang makalapit si Raen ay mahigpit siyang niyakap ng mga magulang. "You did a good job."

Bigla ay parang gustong tumawa ni Raen tumawa ng malakas. Hindi naman kasi siya yung klase ng tao na mahilig sa drama. At sa totoo lang, pakiramdam niya ay nabura na ang lahat ng hinanakit niya sa mga magulang dahil lang sa mga simpleng salitang iyon. Hearing her father say that she did a good job was equivalent to receiving the highest form of praise.

"Thanks, Pa," ang tanging nasabi ni Raen.

Pero hindi pa pala tapos ang mga magulang niya. "Tama ka," wika ng mama niya. "You deserve to be here." Pagkatapos ay humarap ito sa dalawa niyang kuya. "Raen will stay right here. With us."

At bago pa makapagprotesta ang kahit isa sa mga kuya niya ay sumingit na si Myka. "Alam ko na kung paano kokontakin si Gideon. We just have to ask Robbie."

"GUSTO kong pumasok doon," anunsiyo ni Raen nang makabalik sina Myka at Stone mula sa pakikipag-usap kay Robbie.

Kahit pa nagalit si Stone kay Robbie ay sinabi naman nitong malaki ang tiwala nito kay Robbie. The guy was loyal and he was also the best "tech guy" in STAID. Pero mukhang hindi na pala nila kailangan ng tulong ni Robbie. Ayon kay Robbie ay si Gideon mismo ang nagsabi na pupunta ito doon sa headquarters nang malaman nitong naroon si Ryder. Ang problema lang ay hindi nila alam kung kailan ito dadating.

"Saan?" may halong babalang tanong ni Stone.

"Sa interrogation room."

"Absolutely not!"

Hindi pinansin ni Raen ang galit na reaksiyon ng kuya niya. Sa halip ay humarap siya sa kanyang mga magulang. "Pa, Ma, please, alam niyong tama ako," apila niya sa mga ito. Pagkatapos ay kay Myka naman siya bumaling. "Ate Myka, ikaw ang analyst dito. Kahit kailan ay hindi ako sinaktan ni Eth—Ryder. Ang gusto talaga niya ay makausap ako. Kaya ibigay na natin sa kanya ang gusto niya. Hayaan niyong kausapin ko siya."

Pigil ni Raen ang hininga habang hinihintay na magsalita si Myka. Sa wakas ay lumambot ang mga mata nito saka bumaling sa Kuya Luke niya na sobrang lalim ang pagkakakunot ng noo. "Ikinalulungkot kong sabihin pero may punto si Raen." Itinaas ni Myka ang isang kamay para pigilang magsalita si Stone. "Kalimutan mo munang kapatid mo si Raen at maiintindihan mong iyon nga ang tamang gawin."

Ilang sandali muna ang lumipas bago paungol na sumagot si Stone ng, "Fine."

Gusto nang mapangiti ni Raen pero pinigilan niya ang sarili at hinintay na sumagot ang kanyang mga magulang. Tahimik na tumango lang ang mga ito na sinundan naman ng Kuya Luke niya ng isa ding napipilitang, "Okay."

"Ako na ang maghahatid sa kanya," agad na prisinta ni Myka.

Binigyan ito ni Raen ng thankful na ngiti bago nagpatiunang lumabas sa control room. Nang nasa labas na sila ay bigla siyang pinigilan ni Myka sa kamay.

"Sigurado ka bang gusto mo itong gawin, Raen?"

Isang tango ang isagot ni Raen.

Tumango din si Myka saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Tandaan mong nasa kabilang kuwarto lang kami. 'Wag kang matatakot."

"Hindi ako natatakot kay Ethan."

"Good, basta kahit ano'ng mangyari 'wag mong kalilimutang pinapanood namin ang lahat. Kapag nakaramdam ka ng kahit na anong hindi maganda, sumignal ka lang at nandoon na agad kami sa loob lang ng thirty seconds."

Napangiti si Raen. "Sigurado kang thirty seconds lang?"

Pero mukhang hindi nakuha ni Myka ang humor sa sinabi niya. Seryoso pa rin ito nang sumagot. "I timed it. Thirty seconds ang average response time mula sa control room papunta sa interrogation room."

Napatango na lang si Raen. "Okay."

"Teka," pigil ni Myka nang akmang papasok na si Raen sa interrogation room. "Gusto ko lang makasiguro na alam mo talaga kung ano itong pinapasok mo. You'll be my sister soon. At ayokong masaktan ka, Raen."

"Hindi ako sasaktan ni Ethan."

"Hindi naman pananakit na pisikal ang ibig kong sabihin."

Malungkot na napangiti si Raen. "Alam ko, Ate Myka. Believe me, ilang beses ko na ding kinwestiyon ang sarili kong katinuan dahil kay Ethan. Pero alam mo, kahit na alam kong mas malaki ang posibilidad na masasaktan lang ako sa huli, gusto ko pa ring gawin ito para sa kanya."

"Oh, Raen," and for the first time since Raen met her, Myka initiated a hug.

Para tuloy gustong maiyak ni Raen dahil doon. "Okay lang, Ate Myka. Lahat naman tayo ay entitled na magkamali paminsan-minsan, di ba? And it's my choice to make this mistake now. I know it's crazy, but I guess some people are simply worth being crazy for." Nginitian pa ni Raen si Myka bago siya tuluyang pumasok sa interrogation room.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRWhere stories live. Discover now