Prologue 1

19.6K 287 2
                                    

One month earlier

PAKIRAMDAM ni Raen ay sandali pa lang niyang naipipikit ang mga mata nang gisingin siya ng tunog ng doorbell. Kasunod niyon ay narinig niya ang alarm mula sa kanyang security system. Agad na umalerto siya at bumangon. Dire-diretsong tinungo ni Raen ang kanyang closet. Sa likod ng mga naka-hanger na damit ay may nakatagong compartment. Kinuha niya doon ang isang maliit na handgun.

Without even thinking about it, Raen checked the handgun with exercised precision. Kahit siguro tulog ay kaya niyang gawin iyon. But damn! Ang mga normal na tao ay hindi kumukuha ng baril kapag may bumibisita sa kanila. Pero hindi naman normal na may bumibisita kay Raen sa madaling araw. Sinilip niya ang wall clock at hindi nga siya nagkamali. It was a few hours after midnight.

"Sino naman kaya pupunta dito ng ganitong oras?" tanong ni Raen sa sarili habang dahan-dahang naglalakad patungo sa kanyang computer. Ang mga mata niya ay alertong inoobserbahan ang kanyang paligid habang nagpipipindot sa computer keyboard. Memoryado na niya ang mga dapat pindutin kaya ilang sandali lang ay tumigil na ang tunog ng alarm. Kasunod niyon ay sinilip ni Raen ang live feeds ng mga security cameras na in-install ng papa niya sa paligid ng townhouse.

"Kuya Luke?" gulat na bulong ni Raen nang makilala ang pamilyar na bulto ng kuya niya. Pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae.

Maingat at mabilis na tinungo ni Raen ang pinto. Kahit na nakita na niya ang live feeds ay gusto pa rin niyang makasiguro na ang Kuya Luke nga niya ang nasa labas kaya sumilip pa rin siya sa bintana.

"Luke?" tawag ni Raen sa pangalan ng kuya niya pagkabukas niya sa pinto. Ang kamay niyang may hawak na handgun ay itinago niya sa kanyang likod. "Sino'ng kasama mo?" Pinilit niyang gawing normal ang pagsasalita. Pero mukhang napansin agad ng kuya niya ang kakaibang tensiyon sa boses niya. Ngumiti ang kuya niya. But his smile looked more like a grimace.

"It's okay," tila nahihirapang bulong ng Kuya Luke ni Raen. "Myka, si Raen. Raen, si Myka. Ngayong kilala niyo na ang isa't isa, pwede niyo nang bitiwan ang mga hawak niyo."

Pero hindi gumalaw si Raen. Nagpatuloy lang siya sa pagtitig sa babaeng kasama ng kuya niya.

"Hindi mo ba kami papapasukin, Raen? Come on, babe, I'm not in the mood to stand here all night."

Bigla ay may pamilyar na ekspresyon na dumaan sa mukha ni Myka. Muntik pang hindi iyon makita ni Raen. Pero sigurado siyang nakitaan niya ng selos ang mukha nito. Iyon lang ang kailangan niyang makita para luwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Sorry, pasok kayo."

Nang makapasok sina Luke at Myka ay awtomatiko ang naging paggalaw ni Raen para i-secure ang pinto. Pagbaling niya sa dalawa ay nahuli niya si Myka na nakatingin sa kanyang kamay. Naalala niyang hawak pa rin niya ang kanyang handgun.

"Why are you carrying a girl's gun?"

"Because I'm a girl," sarkastikong sagot ni Raen na pinaikot pa ang mga mata. Pero ang totoo ay kinakabahan na siya. "Bakit ka nandito, Luke? Alam mo ba kung anong oras na? Sana tumawag ka muna sa akin o kaya ay nagtext bago sumugod dito. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakakatanggap ng surprise visit. Paano kung hindi agad kita namukhaan? I could have shot you!"

"Your girly gun won't take me down."

Sasagot pa sana si Raen nang biglang pumagitna sa kanila si Myka. "Stop it. Nandito kami para humingi ng tulong sa'yo."

Kunot ang noong bumaling si Raen sa babae. "Ano'ng klaseng tulong ang kailangan niyo?"

"Luke was shot..." Marami pang sinabi si Myka pagkatapos niyon pero iyon lang ang nagregister sa isip ni Raen. Basta na lang niyang nilapitan ang Kuya Luke niya. Pagkatapos ay natatarantang hinanap niya kung nasaan ang sugat nito. Nanlamig ang pakiramdam ni Raen nang sa wakas ay makita ang sugat ni Luke. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit naroon ang mga ito sa ganoong oras ng gabi. Raen was a doctor, an animal doctor to be exact. But still a doctor.

Magkatulong na dinala nina Raen at Myka ang Kuya Luke niya sa guest bedroom. Mga hayop nga ang pasyente ni Raen, pero hindi naman ito bago sa kanya. Para sa tao man o hayop, pareho lang naman ang proseso ng panggagamot ng sugat, hindi ba? But the difference was that there was a bullet in her brother's body.

Kaya ko 'to, bulong ni Raen sa sarili habang inihahanda ang mga gamit na kailangan niya. Clean, extract, suture, then close, paulit-ulit na sinasabi niya sa isip habang nagsusuot ng gloves. Nang matapos siya ay agad na sinimulan niya ang panggagamot sa sugat ng Kuya Luke niya.

NAPASANDAL si Raen sa pinto ng guest room nang makalabas siya. Parang biglang napagod ang utak niya sa pag-iisip ng mga posibilidad kung bakit may tama ng baril ang kuya niya. Kailangan niyang tawagan ang mga magulang nila.

Siniguro muna ni Raen na secured ang buong bahay bago siya nagtungo sa kanyang kuwarto at tinawagan ang papa niya. "'Pa, nandito si Kuya Luke—"

"Hindi ba malala ang sugat niya?"

"Ha?" Natigilan si Raen sa tanong ng papa niya.

"Inaasahan kong magpupunta diyan ang kuya mo at si Myka para humingi ng tulong."

Gustong matawa ni Raen sa narinig. Of course, her father already knew about Myka and her brother's injury. Her parents knew everything! "Okay na po siya."

Narinig ni Raen ang malakas na pagbuntong-hininga ng papa niya. "That's good," wika nito sa mahinang tinig. At kung hindi nagkakamali si Raen ay parang may nahimigan siyang relief doon. Pero agad ding sumeryoso ang tinig nito. "Listen, Raen, may mga bagay na nangyayari ngayon na hindi ko maipapaliwanag. What I need you to do is to trust your training. Kailangan mong maging alerto sa lahat ng oras. Kapag may napansin kang kakaiba sa paligid mo, you already know what to do. We taught you everything you need to know. Pero kung sa tingin mo ay hindi mo kayang i-handle, I want you to contact me or your mother immediately." Kilalang-kilala na ni Raen ang ganoong tono at mood ng papa niya. Dati itong sundalo at minsan ay parang sundalo pa rin ito kung magsalita at umasta.

Fear immediately crept up on Raen. "Yes, Pa."

"Good." Ang paraan ng pagkakasabi doon ng papa niya ay parang isang sundalo ang kausap nito at hindi nito anak.

"I can't stay on the phone for long. Basta ipapaliwanag din namin sa iyo ang lahat sa tamang panahon."

Naikuyom ni Raen ang isang palad. "Nag-aalala po ako kay Kuya Luke."

"Kami na ang bahala sa problema ng kuya mo, Raen. We'll take care of him," puno ng kumpiyansang wika ng Papa Abel ni Raen. Kahit paano ay nabawasan na ang pag-aalala niya dahil doon. But then her father added, "Bring a gun with you anywhere. And for the time being, we'll send someone to look after you."

"'Pa, you're scaring me," hindi na napigilan ni Raen ang panginginig ng kanyang boses.

"I'm sorry, baby," malambing na wika nito. Pero mabilis din iyong nawala. "Just remember everything that we taught you, okay? 'Wag kang mag-alala, maaayos din ito. We're already working on it."

"Okay, 'Pa."

Bago pa muling makapagsalita ang papa niya ay narinig ni Raen na may kumausap dito sa kabilang linya. Narinig pa niyang napamura ito bago siya binalikan. "I have to go now, Raen. We love you. Mag-iingat ka."

Iyon lang at pinutol na ng papa ni Raen ang tawag. Nihindi siya nito binigyan ng pagkakataong sagutin ang pagsasabi nito ng "we loveyou." Raen couldn't help but feel frustrated. Sa halip kasi na makakuha ngsagot ay parang mas nadagdagan pa ang mga tanong niya. Pero wala naman siyangchoice. Ang magagawa lang niya ngayon ay sundin ang papa niya at maging maingat.


S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon