"Ganun kadali niyang natalo ang gangmates natin?" di makapaniwalang tanong ko. Di ako makapaniwala na ang 30 katao ay napabagsak niya sa isang iglap lang.

"2 seconds yun ang time na sinabi nung Heal."- Ren

"Napatay niya ang 30 katao sa loob lang ng 2 seconds?" di makapaniwalang tanong ni 2

Nag nod naman si Ren. Tangn* lang magaling siya kung ganun.

"Nung mga oras na yun. Yun ang oras na nakaramdam ako ng takot na di ko maipaliwanag. Dun lang ako nasindak sa isang tao."- Ren

"Pero di ba sabi mo manonood ka lang. Paano ka  napuruhan?"- Ako

"Alam pala nila na nanonood ako. Malakas ang sense nila. At ang nakakagulat pa dun inutusan ni Poison yung Blaze na dalhin sa kanya ang spy. Bigla na lang nawala na parang bula yung Blaze the next thing I knew ay nasa likod ko na siya at sa isang iglap lang nadala na niya ako kay Poison. Para siyang nagteteleport sa sobrang bilis."

"Tangna tao pa ba yung mga yun."- 2

Napansin ko lang na natahimik si 3. Pero pinabayaan ko na muna dahil focus ako kay Ren.

"Ang sabi sakin ni Poison ipaabot ko daw sa inyo na mamamatay tayong lahat. Pero sabi niya di niya pa ako papatayin kasi nga sasabihin ko pa sa inyo yun. Weak daw ang members natin at di siya nag enjoy ni di man lang pinagpawisan. Kaya ako daw ang lalaban sakanya. Binigyan niya naman ako ng deal na di siya gagamit ng kahit ano. Bare hands lang. Katawan lang niya. Napanatag na sana ako kasi di niya ko gagamitan ng samurai o kahit dagger man lang. Pero nung sumugod siya sobrang liksi niya at sobrang lakas ,nabubog niya ako at nabalian ng mga buto ko sa loob lang ng isang minute ayon kay Heal. Unang beses kong matalo ng ganun kabilis. Ni hindi ko man lang siya napatamaan ng isang suntok sa mga pagsuntok ko sakanya. Bago ako mawalan ng malay nagawa ko pang basahin ang sinulat niya gamit ang lipstick niya. Yun nga tong nasa braso ko ngayon."- Ren

"Pero di ba nilinisan ka na ng mga nurse bakit di pa din nawawala ang sulat na yan?"-2. May point siya dun. Bakit nga naman di pa din nawawala yin dun

"Permanent lipstick kasi yan. Di ordinaryong permanent lipstick. May lason yan na nagpapakapit sa balat na tumatagal sa loob ng dalawang linggo. At iisang tao lang ang nakakagawa niyan. Yun ay si Poison"-3

"May alam ka dito?" tanong ko

"Konti lang. Mafia lord ang papa ko. Leader siya ng Scorpion Clan. Di naman ganun kalakas yung Clan. Ayon kay Papa, Red Blood Clan ang pinakamalakas na Clan sa buong mundo. Si Poison, siya ang no.1 assassin ng clan na yun. Meaning no.1 assassin siya sa buong mundo. Malinis siyang magtrabaho. Pag napunta ka sa deathlist niya siguradong papatayin ka niya kahit sino ka pa. Tinawag din siyang Killing Machine dahil sa walang awa niyang pagpatay."-3

"Paano mo nalaman yan?" tanong ko sa kanya.

"1st year high school ako nung marinig ko kay Papa si Poison. Ayaw niyang kalabanin ang Clan na yun dahil kay Poison. Di lang yun, madami pang malalakas sa Clan na yun kaya takot sa kanila ang ibang clan. Mabilis silang magtrabaho. Yung sinasabi ni Ren na mabilis kumilos malamang si Blaze ng Red Blood Clan din yun. Kilala siya sa mabilis na pagkilos. Kung normal ka na tao aakalain mo na anino lang siya di mo makikita ang mismong katawan niya."

Nanatili lang kaming  tahimik habang si 3 ay nagsasalita. Di ko expect na ganun ang miyembro ng shadow.

"Matagal na panahon ko na ding sinusubaybayan si Poison. Pero hanggang ngayon wala pa ding nakakaalam ng itsura niya. Maging lahat ng assassin ng Clan nila. Di nila pinapakita ang mukha sa bawat isa. Pinuno lang nila ang nakakaalam ng pagkatao nila. Kung miyembro ng Shadow si Blaze malamang mga assassin din ang iba pang miyembro ng Shadow. Di sila mga normal. Sinanay sila sa pagpatay at ganid silang pumatay. Yun yung nasabi sakin ni Papa. Binilinan din niya ako na wag na wag daw akong sasangkot sa daan ng Clan na yun kasi wala akong laban. Pero ngayon mukhang tayong lahat ay nasa deathlist ni Poison."

Nanginginig na sa takot si 3. Alam kong mahirap para samin to. Di ko lang talaga alam kung bakit kami ang pinag iinitan ng shadow. Siguro naman may kahinaan din sila.

"Mula ngayon kailangan nating mag dobletime o kaya triplihin na natin ang practice. Kailangan nating mas lumakas dahil mahirap kalabanin ang mga kalaban." Utos ko sa kanila. Sabay sabay naman silang tumango. Mukhang mahihirapan na kami sa laban na ito. Kailangan kong protektahan ang gang ko.

Poison sino ka ba talaga. Masyado kang misteryoso. Bakit ba kami ang pinupuruhan mo. Ano bang atraso namin sa inyo. Nung una inagaw ng Shadow ang rank namin sa battle field. Pero ginawa nila yun ng di pumapatay. Bakit ngayon pumapatay na sila. Arrrghhh ang gulo naman.Di ako makapag isip ng matino.

_____________________________________

ceikret


**edited**

ai wo


Revenge of the Gangster's Twinحيث تعيش القصص. اكتشف الآن