****************

“Ma, wala pa rin bang balita? Isang oras na tayong naghihintay!” reklamo ni Gino.

Simula nang makita ang bridal car na inabandona sa gilid ng daan ay walang-tigil na ang mga tauhan ng lolo niya sa pagsuyod sa buong Maynila para lamang makita si Mikay.

Hindi na nila nagawang umuwi at naghintay na lamang sa simbahan. Maging ang mga bisita ay hindi rin umalis at sinamahan sila sa pag-aabang sa anumang balita ang dala ng mga naghahanap dito. Sa halos isang oras na nandoon siya ay nakapagdasal na yata siya sa lahat ng santo na naroon.

“Anak, will you calm down? Walang magandang maidudulot ang init ng ulo mo. Ginagawa na namin ang lahat para makita si Mikay. Just be patient, okay?”

“Ah, shit! Hindi pwedeng nandito lang ako at naghihintay,” sabi niya at tumayo mula sa kinauupuan. Lumabas siya sa mula sa simbahan at tinungo ang kotse niya. Hindi na niya pinansin pa ang pagtawag sa kanya ng ina.

Pumasok siya sa loob ng sasakyan at hinagilap niya mula sa bulsa ang susi. Nang makita ito ay yumuko siya ng bahagya para paandarin ang sasakyan. Nang mag-angat siya ng tingin ay napanganga siya nang makitang nakatayo na sa harap ng kotse ang mapapangasawa niya.

Nakapamaywang ito at nakataas pa ang isang kilay habang nakatingin sa kanya. Ilang beses pa niyang ikunurap-kurap ang mga mata para siguraduhing hindi aparisyon ang nakikita niya.

Lumabas siya mula sa kotse at agad na niyakap ang kasintahan. Nanikip ang lalamunan niya at pakiramdam niya ay anumang sandali ay maiiyak na siya sa sobrang tuwa. She was here.

“You’re okay,” paulit-ulit niyang sabi habang yakap-yakap pa rin ito.

“Ba’t ka aalis? Ayaw mo na bang magpakasal sa’kin?” pabirong tanong pa nito.

“Of course not. Idiot. You’re late,” sagot niya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

“Sorry. Yung pinsan mo naman kasing hilaw.”

Kumalas siya mula rito at pinagala ang paningin sa kabuuan nito. Gulo-gulo ang buhok nito at nasira na rin ang makeup sa mukha nito. Gusot ang suot nitong wedding gown at may punit pa. Itinaas ni Mikay ang damit at nakita niyang naka-tsinelas na lamang ito.

“Naka-paa pa ako kanina. Buti na lang mabait si manong. Pinahiram niya ako ng tsinelas at hinatid niya ako rito,” sabi nito at tinuro ang isang lalake na nakatayo sa tabi habang pinapanood sila.

“Ano ba kasing nangyari? Bakit ka biglang nawala?” tanong niya.

Doon ay dumating na ang pamilya nila. Agad niyakap ng mga ito si Mikay. Maluha-luha ang mama niya habang halatang nagpipigil naman ng emosyon ang papa nito.

“We’re so glad that you’re okay, hija. What happened to you?” tanong ulit ng lolo niya.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Место, где живут истории. Откройте их для себя