Chapter 40 - The Finale

38.6K 960 191
  • Dedicated to All the faithful readers of KMH!
                                    

Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat! I love you all! :*

************

CHAPTER 40

Nagising si Mikay na nakahiga sa sahig ng isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Nang sinubukan niyang gumalaw ay napagtanto niyang nakatali pala ang mga kamay at paa niya. Agad na nag-panic ang sistema niya. Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon. Ang huling naalala niya ay nakasakay siya sa bridal car na maghahatid sa kanya sa simbahan.

Her wedding! She was going to be late for her wedding!

Hindi siya pwedeng magtagal dito. Siguradong naghihintay na si Gino sa simbahan. Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto at humanap ng paraan para makatakas. Wala kahit isang kasangkapan sa silid na kinalalagyan niya. Yari sa kahoy ang sahig nito gaya ng mga ginagamit sa mga makalumang bahay. Bukod sa pinto ay isang maliit na bintana lamang ang pwedeng gamitin para makalabas doon.

She doubted she would fit in there. Her only chance was the door.

Nagpumiglas siya at sinubukang luwagan ang pagkakatali sa kanya. Nabuhayan siya ng loob nang makitang gumagana ang ginagawa niya. Kung sino man ang nagtali sa kanya ay halatang hindi alam ang ginagawa nito.

Tuluyan na niyang nakalas ang mga tali sa paa nang biglang bumukas ang pinto. Laking gulat niya nang iniluwa noon si Maddie. Nakangisi ito at parang masayang-masaya sa nakikita. Agad niyang itinago ang mga paa sa ilalim ng wedding gown niya.

“Ikaw? Ano’ng ibig sabihin nito? Let me go right now!” sigaw niya rito.

“Shut up! Wala ka sa posisyon para utusan ako!” maldita nitong sagot.

“What do you think you’re doing? Ano’ng kabaliwan na naman ba ‘to Maddie?”

“Kabaliwan? Hindi ‘to kabaliwan, Mikaela. This is revenge. Bayad sa lahat ng mga kinuha ninyo mula sa akin!”

“Ano’ng pinagsasabi mo? Wala akong ginagawang masama sa’yo! Wala akong kinukuha sa’yo.”

“Liar!” sigaw nito sabay sampal ng malakas sa kanya. Namanhid ang pisngi niya at panandaliang lumabo ang paningin niya. Hindi pa ito nakuntento at hinila pa ang buhok niya. Hinawakan siya nito ng marahas sa baba at hinarap ang mukha niya rito.

‘Humanda ka sa akin kapag nakatakas ako rito, babae ka!’

“Alam mo bang matagal ko nang mahal si Gino? Matagal na akong nasa tabi niya, pero ni minsan hindi niya ako napansin. Pero ikaw! Ikaw na ngayon niya lang nakilala ay minahal na niya agad. Palalampasin ko na sana ‘yun eh. Pero hindi pa kayo nakuntento, pati ang mommy ko kinuha ninyo sa akin! You took away the only family I had! Now I have no one. No one.”

Kahit papaano ay nakaramdam siya ng pagkahabag para rito. Pakiramdam ni Maddie ay nag-iisa na lang ito sa mundo. She also felt that way when her mom passed away. Kaya naiintindihan niya ito.

“Mali ka. May pamilya ka pang natitira. Alam mo bang ilang araw ka nang hinahanap nina Tito Priam at Lolo Regino? Hinihintay na nila ang pag-uwi mo. Hindi mo kailangang gawin ‘to, Maddie.”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now