Chapter 27 - Lights, Camera, Action

39.4K 564 24
                                    

I'm baaaaack! Sorry I kept you waiting. I think sabaw 'tong update na 'to. Inatake na naman ako ng writers block at ka-busyhan sa buhay. Patawarin niyo po ako. ^_______^

This chapter is for my labs LunarMaris. Hihihi.. :))

Enjoy!

=============================

CHAPTER 27

Aligaga si Mikay habang tinatahak nila ang daan papunta sa mansyon ng mga dela Rosa. Pero pinilit niyang ‘wag ipahalata iyon. Ito na ang itinakdang araw para ipakilala siya ni Gino sa abuelo nito. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya ay nagtaka tuloy siya kung naririnig na iyon ni Gino na nagmamaneho sa tabi niya.

Mas lalong nakakadagdag sa kaba niya ang isiping kailangan nilang magpanggap ni Gino na magkasintahan sa harap ng pamilya nito. Paano naman niya gagawin iyon? Hindi naman siya artista. She took deep calming breaths and told herself again and again na kaya niyang gawin ito.

Nagulat siya nang biglang itinabi ni Gino ang kotse sa gilid ng daan. Nagtatanong na napatingin siya rito.

“Bakit tayo tumigil?”

Dinig niya ang malalim nitong buntong-hininga bago sumagot. “If you’re not ready to do this, I can just take you home right now.”

Nahalta yata nitong kabado siya. Pagdating talaga kay Gino ay wala siyang maaring itago. Mabuti na nga lang at hindi pa nito natutunugang may gusto siya rito.

“W-what are you talking about? I’m fine,” pagdadahilan naman niya.

“No you’re not,” sagot nito at kinuha ang isa niyang kamay. “See? Nanlalamig ka.”

She took back her hand and squared her shoulders. “I’m fine, okay. Sabi ko naman sa’yo kaya kong gawin ‘to. Sige na, mag-drive ka na ulit.”

Muli itong napabuga ng hangin. “Ang tigas ng ulo mo.”

“Gino, we can’t back out now. Nandoon na ang papa at kuya ko sa inyo. Ano na lang ang sasabihin nila ‘pag hindi ako tumuloy?”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon