Chapter 2 - First Impressions

69.6K 1K 75
                                    

CHAPTER 2

"NO! Hindi ako papayag!" hysterical na sigaw ni Mikaela.

Ilang segundong naghari ang katahimikan sa loob ng study ng mansion. Mukhang hindi inaasahan ng papa at kuya niya ang naging reaksiyon. Kadalasan kasi ay puro tango lang ito sa kanila.

What do they expect? Magtatalon siya tuwa?

"Everything is already in order. And we don't need your permission. Magpapakasal ka, sa ayaw at sa gusto mo!" ang matigas na sagot ng papa niya.

"How can you do this to me? Kuya? I can't believe you're allowing this!"

"I'm sorry, hija. But we're doing this for your own good," mahinahon ang boses na sagot nito.

Hindi na niya napigilang mapaiyak. Pati ang kuya niya na palagi niyang kakampi ay iniwan na rin siya sa ere.

I can't believe I'm hearing all of this.

Sinapo niya ang ulo at nanghihinang napaupo. This isn't really happening, is it?

"My own good? But I don't even know the guy! Pa'nong nakabuti sa'kin na ipakakasal niyo ako sa taong hindi ko pa nakikita kahit kelan?"

"Mabuting tao ang anak ni Anton. The kid is responsible and intelligent, magaling sa negosyo. He single-handedly handles their company's foreign branches. Makakabuti para sa iyo, sa ating lahat, kung siya ang mapapangasawa mo. Maaalagaan niya ang kumpanya natin, since you don't have any interest in doing that yourself," paliwanag ng papa niya.

So that was it. Ipapakasal siya para sa kumpanya. This was a business venture, and she was the capital. Ang sakit. Anak siya at hindi isang kapirasong lupa o property na pwedeng ibenta sa iba.

"If you like him so much, why don't you marry him dad?" sarkastiko niyang sabi. But she immediately regretted her words. She was usually not this rude.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon