Chapter 29 - The Getaway

41.8K 683 59
                                    

Dahil excited ako sa Got to Believe, may update! LOL.

Pero actually, mabilis akong nakapagsulat dahil natuwa ako sa feedback from the last chapter. So, keep on inspiring me! HAHAHA.

This is for sis emeerald26! :*

Enjoy!

=========================

CHAPTER 29

Maaga silang umalis mula Maynila papuntang Bacolod. Wala pang isang oras ay nag-landing na ang eroplano. Mula doon ay magbibiyahe pa sila ng halos limang oras papunta sa probinsya ng Sipalay kung saan nandoon ang bagong resort ng mga de la Rosa.

Kasama sa team na dinala ni Mikay si Bianca at dalawa pang assistants na tutulong sa kanila sa setup ng gagawin nilang shoot. Hindi na niya napigilan pa ang kaibigan na sumama. Nang marinig nitong nandoon din si Gino ay hindi ito nagdalawang-isip pa at ipinresenta ang sarili. Gusto lamang daw nitong magbakasyon at kiligin habang ginagawa iyon. Napailing na lamang siya. Nasisiraan na yata ng ulo si Bianca. Sila ni Gino, nakakakilig? Malayong-malayo sa katotohanan.

Oo nga at naging napaka-attentive nito sa kanya nitong mga nakaraang araw. Lagi nitong sinisigurong nakukuha niya lahat ng kailangan sa tuwing magkasama silang dalawa.

Tulad na lamang ngayong bumibiyahe sila. Ito ang naging tagadala ng mga gamit niya, tagabigay ng tubig, pati na rin personal na unan. Hindi man niya mapigilan ang sariling matuwa sa mga simpleng ginagawa nito, she knew it was all for show. Sinasabi na lamang niya sa sariling likas kay Gino ang pagiging maalaga. Though she didn’t know how long she was going to fool herself. Naamin na niya sa sariling nahulog na ng tuluyan ang loob niya sa binata. She was falling – bigtime.

Kaya sa halip na idiin pa lalo ang kutsilyong tumatarak sa dibdib niya, pinili na lamang ni Mikay na wag masyadong bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa nito. That was why she looked forward to this trip. Magiging malayo sila sa Maynila. It was like a getaway from all the lies and the pretending, at least for a couple of days.

Halos tanghali na nang sa wakas ay tumigil ang van na nirentahan nila. Nakaidlip siya sa balikat ni Gino at nagising lamang sa marahan nitong pagyugyog sa kanya. Papungas-pungas siyang bumaba ng sasakyan, pero nagising din agad ang diwa nang makita kung nasaan sila.

They were standing on a pier. Sa harap niya ay ang malawak na karagatan. She could see an island on the horizon, but it was far enough to make her knees buckle.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon