Chapter 40 - The Finale

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa sinabi niya ay nagbago ang ekpresyon ng mukha nito. Saglit itong natahimik at napaisip. Binitawan siya nito at tumawid papunta sa kabilang dulo ng silid.

“Huli na ang lahat. Kapag nalaman nila ang ginawa ko sa’yo, hindi na rin nila ako tatanggapin.”

“A-Ano’ng plano mong gawin sa’kin?”

“Well, for starters, sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang kasal niyo ni Gino. Nakapagpaalam ka na ba sa kanya Mikay? Dahil hindi na kayo magkikita ulit!”

Natakot si Mikay sa nakikitang pagkamuhi sa mga mata nito. Alam niyang wala ito sa katinuan at hindi ito magdadalawang-isip na saktan siya. Kailangan niyang makatakas sa lalong madaling panahon.

Nahagip ng tingin niya ang isang silya sa gilig ng pintuan. Kung makakatakbo siya ng mabilis ay tiyak na makakalabas siya at pwede niya itong ikulong doon. Nanalangin na lamang siya na sana ay wala itong ibang kasama.

“Kahit na ano ang gawin mo, hindi ka magtatagumpay. Sigurado akong hinahanap na ako ni Gino ngayon. Kapag nakita na niya ako, mabubulok ka rin sa kulungan, gaya ng nanay mo!”

She decided to provoke her para lumapit pa lalo ito sa kanya. Hindi siya nagkamali. Agad siya nitong sinunggaban. Mikay acted fast and landed a hard kick on Maddie’s stomach.

“Next time, learn how to tie a knot properly. Stupid!”

Napaungol ito at namilipit sa sakit. Sinamantala niya iyon upang makatakbo palabas ng silid. Ginamit niya ang silya para ipinid ang pinto.

Muli niyang pinagala ang paningin sa paligid at naghanap ng labasan. Tinakbo niya ang isang pintong nakita at nakahinga ng maluwag nang makita ang kalsada. She recognized where she was. Ilang beses na rin nilang nadaanan ang lugar na ito. Hindi ito masyadong malayo sa simbahan.

She ran, barefoot on the street sakaling nakasunod si Maddie sa kanya. Hindi na niya pinansin pa ang mga taong nagtatakang nakatingin sa kanya. Alam niyang mukha siyang baliw na naglalakad sa tabi ng kalsada in her wedding dress, but she didn’t care. All that mattered was she get to the church.

“Miss, okay ka lang ba? Kailangan mo ng tulong?” tanong ng isang mama na lumapit sa kanya.

“Manong, parang awa niyo na, tulungan ninyo akong makarating sa simbahan. Late na ako sa kasal ko.”

Kumunot ang noo ng mama at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Para bang nagdadalawang-isip pa ito kung totoo ang mga sinasabi niya o isa lamang siyang taong may problema sa pag-iisip.

“Please, manong. I have to get to my wedding.”

“Ay, nage-English. Mukhang hindi ka naman baliw. Sige miss, saan simbahan ba ang kasal mo?”

She couldn’t help but laugh in relief. She uttered a prayer of thanks.

‘Hintayin mo ‘ko, Gino.’

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon