"Ay? Hindi kaya buntis yun?" biglang sabi ni Chaeyoung na kararating lang.
"As if mabuntis yun ni Sana." engot na saad ni Momo.
"2 months since nung nag undergo kayo ng invitro fertilization, baka naman nagbunga na agad." sabi ni Tiffany unnie.
Yeah, nag undergo kami ng IVF kagustuhan narin naming magkaanak, handa narin naman kami sa tingin namin na maging magulang.
"Teka, bakit ano ba ginagawa ng asawa mo na weird?" tanong ni Taeyeon unnie.
"Ayaw niya na sa chocolate. Except white chocolate. Lagi niya kong sinusungitan tsaka sabi niya mabaho daw ako kahit kaliligo ko lang." nakasimangot kong sagot.
"Hindi kaya naglilihi na nga talaga si Dub?" tanong ni Taeyeon unnie. "Sayo naglilihi si Dahyun, Sana kung sakali." dagdag niya pa.
Nabalot ako bigla ng excitement. May chance na maging magulang na kami ni Dahyun kung sakaling successful ang operation.
"Asan ngayon si Dahyun?" tanong ni Chaeng.
"Nasa office niya?" saad ko naman.
"Tara puntahan natin?" tanong ni Momo. "Not sure but I think Chewy is also there." tukoy niya sa girlfriend niya. 5 months palang ata sila ni Tzuyu eh.
"Game ang alam ko andun sila Nayeon unnie at Jihyo unnie pati nadin si Jungyeon unnie eh." sabi ni Chaeng.
"Tara punta tayo?" yaya ko dahil lunch na nga maya maya.
"Game. Daanan nalang natin si Mina sa office niya." sabi ni Chaeng.
Kasama ko sila Momo at Chaeng papunta sa building ng company namin nila Dahyun. Kasama narin namin si Mina, sweet nga nilang dalawa ni Chaeng.
Pagdating ko sa office ni Dahyun naabutan nga namin sila Nayeon unnie, Jihyo at Tzuyu na nakaupo sa may couch at sofa.
Langyang mag asawang 'to eh ginawa na talagang tambayan ang office ng asawa ko.
Si Tzuyu naman ang alam ko dito narin siya ulit sa SoKor namamalagi dito na siya nagmamanage ng company nila.
"Uyyy anong kaganapan?" biglang hirit ni Momo.
"Ayan, si Dahyun inaantok. Pinuyat mo 'to?" ungot ni Nayeon unnie sa akin.
Nakita ko ang asawa ko nakasubsob sa may desk mukhang di niya pa ko pansin dahil di pa niya alam na andito ako.
"Hindi ah. Aga kaya naming natulog kagabi." nakapout na sabi ko tsaka lumapit sa babaeng pinakamamahal ko.
Nag angat siya bigla ng tingin tsaka mabilis na yumakap sa bewang ko kase nga nakaupo siya.
"Ay wow? Sabik? Miss na miss? Ilang oras lang kayong magkahiwalay ah." asar ni Jungyeon unnie.
Hindi nagsasalita Dahyun, basta habang nakayakap siya sa akin bumigat ang paghinga niyan.
"Si Buntis nakatulog na." sabi ni Jihyo.
"Makabuntis kala mo sure na." segway ni Chaeng.
"Sure na nga." sabi bigla ni Nayeon unnie kaya napatingin ako sa kanya tsaka niya pinakita ang isang PT na may dalawang guhit.
"Kay Dahyun yan?" alangang sabi ko.
"Naghinala na kami at ito na nga positive." sabi ni Jihyo.
"Congrats Sana, naunahan niyo pa kaming magkaanak ni Jihyo." sabi ni Nayeon unnie at sinulyapan ang asawa. Haha. Wala pa kasi silang planong magkaanak ang sabi nila tutal wala silang isang taong kasal. 7 months palang silang kasal eh. Ahead lang sila ng isang buwan ng ikasal kami ni Dub.
Napangiti ako at nilingon tsaka bahagya kong tinapik ang antok na antok kong asawa. I can't believe this, we're goin' to be a complete family.
"Really, hon? We're having our first baby?" may tono ng paglalabing na siyang tanong ko sa kanya.
"Opo." parang bata niyang sagot kaya agad ko siyang hinalikan sa labi.
Hindi ako makapaniwalang magiging magulang na kami sa wakas. Sa pagkakataong ang pagmamahalan namin ay nakaayon na sa tadhana.
"Congratulations Dahyun, you're 6 weeks pregnant." sabi ng doctor kay Dahyun.
Nagpacheck up na kase siya ngayon para kamustahin ang bata at iconfirm nga na buntis siya.
"Kamusta naman po ang pagbubuntis niya?" tanong ko.
"Ligtas naman ang pagbubuntis ni Dahyun, Sana. You just have to make sure na hindi siya maistress at wag niyo siyang pagtrabahuhin ng mabigat." bilin ng doctor.
"You heard that my lovely wife? Take care always and don't make yourself stress para maging safe si baby dubu." I said sweetly.
Nakita kong ngumiti siya sa akin. Sandaling nakipag usap kami sa doctor tungkol sa kung paano namin mapapanatiling ligtas ang magiging anak namin ni Dahyun.
-----
"May gusto ka bang kainin?" tanong ko sa asawa kong kasalukuyang nanonood ng TV.
Pinatigil ko na kase siya sa pagtatrabaho habang nagbubuntis siya. Hindi nadin ako pumapasok ng 6 days a week kundi 3 days a week nalang para lalo ko siya mabantayan.
"Wala, hon. Dito ka lang." sabi niya at sumiksik sa akin.
Mukhang sa akin nga talaga siya naglilihi kase laging ako yung sinusungitan niya pero ako din naman lagi ang hinahanap.
Naalala ko last week, hindi dapat ako uuwi ng bahay namin ni Dahyun sa opisina dapat ako mag iistay dahil sa mga presentation na tinatapos ko kasama ang staff, pasado 12 midnight nalang nun ng pumunta siya ng opisina para sunduin ako.
Mula nun talagang sinikap kong iklian ang pagtatagal ko sa trabaho. Paano ba naman baka mapano siya sa ginagawa niyang yun aalis pa naman ganun kalate? Baka mapahamak siya.
"What do you prefer hon, boy or a girl?" tanong sa akin bigla ni Dahyun.
"I want a girl? A super cute like you." sabi ko sa kanya.
"Ako din, boy sana. Kasing adorable mo sana." sang ayon niya.
"Kahit ano namang maging gender niya. Tanggap ko. May naiisip ka na bang pangalan?" tanong ko.
"Kung girl siya Samantha Daphne, kung lalake naman Sean Crates." sagot naman niya sa akin.
"I love the names, hon. Can't wait to see our little one." sabi ko at hinalikan siya sa noo.
"Hindi na din ako makapaghintay na makita kong buhat mo siya, tsaka di narin ako makapaghintay kung paano mo siya pangaralan bilang isang ama." she said. My heart is melting hearing those words from her.
Mataas ang tingin niya sa akin. Naniniwala siyang magiging mabuti akong magulang sa anak namin.
"Mahal na mahal kita, Dahyun." sabi ko at marahan siyang hinalikan sa kanyang mga labi.
"Mahal din kita, Sana. Mamahalin pa kita hanggang sa dulo." emosyonal na saad niya.
"Dati, pinag aawayan natin ang maging konektado sa isa't isa. Isang kasunduan ay natin pero sa pagharap sa kasama ka altar ang naging hanggangan ng lahat. Ngayon, masaya na tayo at magkakaroon na ng pamilya matatawag ko na literal na tayong pinagbuklod ng Diyos. We're really on strings attached, hon."
---
YOU ARE READING
Strings Attached|SaiDa
FanfictionWhere in Sana and Dahyun are both heirs of their families, two different lives tied with marriage, no vows, just agreement.
Chapter 50 : Strings Attached
Start from the beginning
