Chapter 50 : Strings Attached

2.3K 56 65
                                        

7 months later

Sana's PoV

"Hon, ayoko niyan." nakasimangot ni Dahyun.

"Ganda kaya, chocolate toy!" sabi ko at nginitian siya.

"Ayoko kasiii!" nakasimangot na sabi niya.

Ewan ko kay Dahyun, napakamoody niya nitong mga nakaraang araw.

Anim na buwan na ang lumipas ng pormal kaming ikinasal. Mag iisang taon narin mula ng maaksidente ako't nagising.

Sa ngayon nakakaalala na ko. Wala ng faded memories, galing ni Dahyun hindi niya ko pinabayaan.

Swerte ko sa kanya dahil di niya ko sinukuan ng maaksidente ako. Sabay kaming lumaban sa kalbaryong dumating sa aming dalawa.

Ngayon, nakakapagtrabaho na ulit ako. Isang taon nalang CEO na ko ng kompanya pero si Dahyun hindi siya pumapayag na mag out of town ako ng di siya sa kasama. Natatakot na daw siyang maulit ang nangyare noon.

Ito nga nagtatalo kami, ayaw niyang ilagay sa kwarto yung chocolate stuff toy sa kwarto ang ganda nga eh.

Ayaw niya ding kumain ng chocolate. Iba din siya, grabe siya nagulat nga ko dahil dati rati pinagpapalit niya pa ko sa chocolate niya.

"Bat tulala ka dyan? Siguro may babae ka no?" tamang hinalang sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya, seriously?

"Dahyun naman! Anong nangyayare sayo?" sabi ko at nagpout.

"So ganun, Dahyun nalang?" parang batang sabi niya.

Ambilis ng moodswings niya. Ayoko na, kaso mahal ko eh bakit ba? Haha.

"Mahal naman eh. Sorry, I love you Mrs. Park." paglalambing ko sa kanya.

Nagulat nalang talaga ako ng bigla akong hinapit ni Dahyun at siniil ng halik.

Err. Ang agresibo ng halik niya hanggang sa pareho na kaming magkulangan ng hininga.

Sumubsob siya sa balikat ko, anong trip ng asawa ko.

"Daddy, naligo ka ba?" tanong niya bigla.

"Oo, mommy. Naligo ako. Katatapos lang nga eh." sagot ko.

"Weh? Bakit ang baho mo? Maligo ka nga ulit!" parang batang sabi niya.

"Eh, Hon. Kaliligo ko lang nga!" sabi ko kay Dahyun.

"Maligo kana, Sana! Ambaho mo!" triggered na sabi niya kaya wala akong nagawa kundi maligo ulit.

Ano nga bang problema nun? Hays.

--

"Everyone, wag na kayong bibili ng lunch. Papadeliver nalang ako and my treat!" sabi ko sa mga empleyado.

"Yun oh! Thank you, President! sabay sabay nilang sabi.

"Woooy! Bat may libre?" biglang dating ni Momo.

"Wala. Ngayon lang, kasi di na ko nakakapaglibre matagal na." sabi ko.

"Ayos. Sali ako dyan ah!" request ni Momo.

"Sige. Sabihin mo nalang sa secretary ko yung gusto mo." sabi ko.

"Eh, nako. Libre is reaaaal." biglang sulpot ng mag asawang Taeyeon unnie at Tiffany unnie woaaah. Nakikigulo din.

"Kamusta Sana?" tanong ni Taeyeon unnie na umupo sa may sofa katabi ng asawa niya.

"Well, si Dahyun, Unnie eh. She's being so moody for these past few weeks." nakasimangot na reklamo ko.

Strings Attached|SaiDaWhere stories live. Discover now