Chapter 30 : Blame

1.5K 58 27
                                        

Sana's PoV

Isang linggo, isang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Dahyun.

I still don't know the reason why.

Sobrang daming nagbago sa amin.

Walang pakielamanan, para kaming nakatira nga iisang bahay eh parang di rin naman magkakilala.

Madalas akong magmukmok. Iniisip saang parte ako nagkamali bakit nagkaganto kami?

I miss her. Kase kahit na magkalapit lang kami parang anlayo niya padin sa akin.

Bakit ngayon pa? Ngayon pa na mahal na mahal ko na siya.

Madaya rin eh. Hulug na hulog na ko tas bigla kaming magkakaganto.

"Hoy! Tulala ka nanaman!" si Chaeng yun.

Madalas nila kong makitang tulala. Sila nila Yerin at Lisa, ang babata pero mahilig mang intriga.

"Ano ba talagang problema boi?" lokong sabi ni Lisa.

"Hoy Manoban, asan ang paggalang mo? Pambihira ah." sita naman ni Yerin sa kanya.

"Pero ano bang problema ha unnie? Isang linggo na kayong lutang na mag asawa nag away ba kayo?" mahabang sabi ni Chaeng.

"To be honest hindi ko din alam." I said hopelessly.

"Ano?! Nagjojoke ka dude? Di mo alam ang rason? Yung totoo? Ilang pentelpen ang tinira mo?" hesterical na sabi ni Lisa.

"Oy Manoban. OA ka nanaman. Wait tawag akong resbak." sabi ni Chaeng at sandaling kinalikot ang phone niya. Maya maya pa nagsalita siya ulit. "Alright. Papunta na ang mga panget dito!" bwelta nito.

Well, ang buong barkada namin nila Momo ang tinutukoy ng lokong 'to.

Wala pang sampung minuto andito na nga ang mga loko.

Sila Jungyeon,Momo,Mina,Sowon at Rose ang mga hinayupak na dumating.

"Oh? Baket?" sabay sabay na sabi ng apat.

"Ayan. May problema si loko." walang kwentang sabi ni Lisa.

"Juske. Anong problema mo, Park Sana?!" OA rin 'tong si Jungyeon unnie eh.

"Wala wala." tanggi ko.

"Anong wala? Wala ba yung di kayo nag uusap ng asawa mo?!" hirit ni Chaeyoung.

"Hindi niya din alam ang rason kung bakit di sila nag uusap." naiiling na sabi ni Yerin.

"Pero ako alam ko." seryosong sabi ni Sowon na nakapamulsa.

"Ano dude?" tanong ni Momo.

"Alam na ni Dahyun." walang alinlangang sabi niya.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ni Mina.

"Sophia." plain na sabi ni Sowon.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang yun.

Paano? Paano niya nalaman?

"Imposibleng alam niya, Won!" bwelta ni Momo.

"At kung alam niya sinong nagsabi?" tanong ni Rośe.

"Si Chorong unnie. Unintentional niyang nabanggit kay Dahyun, Sana." kwento pa ni Sowon. "Mukhang hindi naging maganda ang epekto kay Dahyun as expected." dagdag niya pa.

Naisara ko ang kamao ko dahil sa narinig ko.

Kaya pala. Kaya pala sobrang iniilagan niya ako.

"Kausapin mo na Sana. Tama na siguro yung isang linggo kayong di nag uusap." payo ni Mina sa akin.

"Suyuin mo, para magkabati na kayo." segunda naman ni Chaeng.

"Basta Sana ito lang pakiusap ko. Wag ka sanang magsawa kahit galit siya." pakiusap naman ni Sowon.

Tumango lang ako at huminga ng malalim.

"Pagsubok lang yan. Madaling lagpasan kapag may paniniwala kang kakayanin mo." biglang sabi ni Yerin.

"Hindi ko alam ang takbo ng isipan mo Sana. But I'm hoping that you'll do the right move." Jungyeon unnie stated.

-----

Pag uwi ko sa bahay wala pa si Dahyun.

6pm palang naman at 7pm pa matatapos yung huling subject niya ngayon.

Nagpunta ako sa kwarto ko para magbihis.

Pagkatapos nun humiga na muna ko sa kama ko para matulog sandali dahil feeling ko nadrain ako buong araw.

Paggising ko agad akong bumangon at nagtungo sa sala. Pero napansin kong may kararating na sasakyan.

Baka si Dahyun na yun pero wala naman siyang dala dalang kotse ah? Naiwan dito sa bahay yung binigay kong kotse sa kanya.

Sumilip ako sa may bintana. Nakita kong may kasama siya. May kasama siyang lalake at mukhang masaya pa sila. Kung hindi ako nagkakamali si Vernon yun.

Yung taong pinagselosan ko nung unang beses na mag away kami.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Knowing na sana ako yung kasama niya, sana ako yung nagpapangiti sa kanya.

Naglakad ako sa kusina para isipin niyang hindi ko napansin yung pagdating niya.

Kumuha lang ako ng cookie chips sa may ref tsaka gatas wala trip ko lang kumain.

Ayoko namang magluto wala ako sa mood.

Nakaupo ako sa may counter ng kitchen habang kumakain ng cookie chips dahil ramdam kong andito na si Dahyun.

Medyo nagulat ako ng dito na pala siya tumuloy sa kusina.

"Nagdinner ka na?" kalmadong tanong ko.

"It's non of your business." masungit niyang sabi. Tatalikod sana siya at akmang aalis na ng magsalita ako.

"Don't you dare to leave me here, Park Dahyun." I warned. Tila natakot naman niya kaya napatigil siya.

"Anong problema mo?" malamig niyang sabi.

"Tayo. Tayo, Dahyun alam ko may problema tayo." kalmado kong sabi.

"Ah talaga meron? Ano yun oh?" naghahamon niyang sabi.

"Si Sophia----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita agad siya.

"So alam mo?! Sana naman! Bakit hindi mo sinabi sa akin ginawa mo kong tanga!" napuno na siya. Tumaas na ang boses niya.

"Natatakot lang ako sa maaring mangyare..." nanghihinang sabi ko.

"Sana, bakit sa dami ng tao ikaw pa?! Bakit tinago mo sa akin ngayong alam mo na pala?! Ang sama sama ng loob ko kase ikaw pala yung lintek na dahilan kung bakit nawala siya sa amin!" nakita kong gumihit ang galit sa kanyang mga mata. Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang pagluha niya.

She's crying because of the madness,pain and frustration. And it's all because of me.

"Oo na, Dahyun. Kasalanan ko nga. Kasalanan ko kung bakit siya nawala. Hindi ko naman ginusto eh. Nagdusa din ako sa pagkawala niya." kalmado ko paring saad.

"Pero bakit tinago mo sa akin kung sino ka talaga sa buhay niya?! Kinamumuhian kita! Alam mo yon?! Ngayon niloko mo ko! Mukhang wala ka ngang balak na sabihan ako na ikaw pala ang nagpasama ng loob niya bago siya mawala." nanghihina ako. Galit na galit siya sa akin.

"Hindi ko sinasadya. Hindi ko rin ginusto. Hindi ko sinabi sayo kase alam kong magagalit ka." paliwanag ko.

"At sa tingin mo hindi ako magagalit kapag nalaman kong tinago mo pa! Lalo mo lang pinalala ang lahat, Sana! Bakit ka pa nakilala ni Pia unnie?! Bakit nag exist ka pa?! Kung sanang di ka dumating sa buhay namin hindi na sana siya nawala! Hindi na sana ako magagalit! Hindi na din sana ako matatali sa napakawalang kwentang taong tulad mo!" puno ng hinanakit na sabi niya.

Tumalikod siya at naglakad na paalis. Gusto ko siyang sundan at habulin pero hindi umayon ang mga paa ko. Pinagmasdan ko na lamang siya habang papaalis.

Mahal na mahal kita, Dahyun. Mas masakit pa 'to kesa sa pagkawala ni Sophia. Parang namatayan ako ulit dahil sa mga sinabi mo at paglisan mo.

----

Strings Attached|SaiDaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang