Chapter 29: Her tears

680 16 1
                                    

Ivan's POV

Sinundan ko sya... medyo malayo ang pagitan namin... mabuti mabilis akong tumakbo...

Tumigil narin sya... tumigil narin ako... tinignan ko kung nasaan kami.... nasa park kami.... park ng school namin...

Nagpunas sya ng mga luha nya at umupo sa mga bench...

"Bakit ka nandito?" Tanong nya

"W-wala lang... bakit ka umiiyak kanina kath?" Sabi ko... lalapit na sana ako sa inuupuan nya pero nag salita sya ng nagpatigil saakin...

"Kailan mo pa alam na nag arranged marraige si mom saamin? At sasabihin mo ba yun saamin kung hindi ko pa narinig?" Sabi nya at humarap saakin

"Ngayon ko lang din yun alam... yung umalis ka sa office ng mom mo sinabi nya yun saamin... syempre sasabihin ko yun saainyo... dahil kung itatago ko yun... baka lalo kayong magalit saakin..." sabi ko habang nakayuko...

Di ko kayang harapin si kath.... di ko sya kayang harapin kapag umiiyak sya... gusto ko lang syang yakapin... pero... bawal nga eh... I am just her stupid bodyguard...

"Okay... p-pero... about what I heard... yung tinanong ka ni jake na kung gusto mo ba daw ako..." sabi niya... naging statwa ako ngayon dito.... narinig nya rin yun... nakakahiya!

"... and about what he said na lumayo ka daw saakin... dahil ayaw nya ikaw para saakin... what will you do?" Sabi niya...

Ano nga ba?

"Well... I am just now your bodyguard... paano nya ako ilalayo sayo... kahit na mahirap pa rin saakin na tanggapin yun na naka arranged marraige ka na at medyo masakit na... I mean masakit na ilalayo nya pa ikaw saakin... eh hirap na hirap nga ako makipag usap sayo kapag binabara mo ako at sinusungitan..." I said and I hear her chuckle...

"Pano kung sasabihin na natin na possible na magka gusto ako sayo... ano ang reaction mo at ano gagawin mo?" Tanong nya... napatingin ako sakanya

Seryoso sya... tinignan ko sya sa mata at ganun din sya...

"Syempre masaya ako... hindi ko gagawin yung mga ayaw mo... pero alam kung hindi rin tayo magiging masaya kasi arranged marraige ka na at ilalayo ka saakin ni jake at mom mo..." sabi ko nakita ko syang ngumiti at may luhang tumulo ulit sa pisngi nya...

First time ko lang talagang makitang umiyak ng ganito si kath...

Pero bakit?

Di na ako nagdalawang isip... lumapit ako sakanya at yinakap ko sya...

Umupo ako sa tabi nya... she hug me back too... napangiti ako dahil ata nasa tabi ko sya...

I dont want to see her crying... I think thats my weakness...

Sinubsob nya yung mukha nya sa chest ko... wala akong pake kung mabasa man yun ng mga luha nya...

Hinalikan ko yung buhok nya... tinignan ko yung mukha nya yung medyo tumahan na sya... nakatulog na sya...

Nakasandal yung ulo nya sa balikat ko... tinanggal ko yung buhok na nakaharang sa mukha nya... now... I can see her angelic face... mabait naman sya...

Nagiging maldita dahil... linalayo ng mga tao ang mga mahal nya sa buhay... yung importanteng tao sakanya...

Kaya ba sya umiyak dahil.... ilalayo ako nila jake at mom nya kapag may nalaman sila saamin?

Mga ilang minuto na kaming ganito ni kath... gabi naman na...

Nagising na si kath at tumingin sa kawalan... ganun din ako... nakatingin ba sya dun sa magkasintahan banda dun sa may fountain?

Campus Princesses Vs The Campus HeartthrobsOnde histórias criam vida. Descubra agora