Chapter 51: Friends?

505 11 0
                                    

Hi guys!! Happy 1k reads haha... thank you sa mga votes and salamat sa pagbabasa ng aking storya😄😄😄

At sa mga lovely comments ng iba haha salamat!

Kaya ito na ang update
×××××××

Kath's POV

Hinihintay namin ngayon sila Ivan... kasama nila si joyce... nandito lang naman kami sa park at ilang oras na kami naghintay dito at bigla namang umulan at pumasok nalang kami sa may waiting shed na malapit lang sa park...

"Dun na muna daw tayo mag usap usap sa may restaurant... sabi nila joyce mukhang hindi titigil ang ulan ngayon... stay na muna daw tayo dun" sabi ni sasha at pumunta naman kami dun sa malapit na retaurant na nakita namin...

Di pa kami nakakapasok nakita na namin sila... nasa may VIP section sila... how do I know? Ehh sa ang sosyal yung lugar na pinewestuhan nila...

At tumakbo naman itong sila delencei at erick papunta sa daddy este kay Ivan... pati ba naman ako napapadaddy na... nung simula ng tawagin kaming mga mammy o kung anu ano pa... naging bata isip na sila ewan ko ba...

Parang ginagawa lang nila yan para gumaan ang atmosphere dahil sobrang bigat na ang problema namin...

Nakita ko ang itsura nila joyce mukhang gustong tumawa ng mga ito... dahil ata sa daddy daddy na yan... pero I found it funny too but I feel happy haha ewan...

Tumabi ako kay Ivan at katabi ko si delencei at sa harap namin ay sila joyce...

"Okay... this thing that we are doing might be akward and di kayo sanay na mabait kami sainyo... pero ngayon lang ito siguro... dahil sobra na ang plano nila jake..." sabi ni joyce

"So what excatly is their plan?" Tanong ni rhianne na ngayon ay nakacross arms

"Gusto nila magsuffer si eros sa abandoned house at balak pa nilang isama kayo Ivan... sabi nila gusto din daw nila na maranasan nyo yung feeling na nagsusuffer sa mga bagay at kung anu ano... ewan ko ba kung ano ang pinag iisip ng mga yun... nabaliw na ata... akala namin na hahayaan nalang nila kayo na maging masaya... dahil kami hinayaan nalang namin kayo... dahil nga past is past na daw... ehh itong mga kapre na ito... ayaw magpatalo... kaya nila naisipan na si eros ang unahin dahil nalaman nila na may trip sila ni rhianne sa forest... pero di ko alam kung paano nila nadala si eros papunta ditong france... but I am sure na tinakot nila si eros... pero nga naisip namin na parehas nga ng ugali itong si rhianne kay eros kaya di sya magpapatalo... pero planado na nilang lahat..." paliwanag ni joyce at napatango tango nalang kami

"And sa isip isip namin bago namin sabihin sainyo ito... nagdadalawang isip pa kami dahil baka isipin nyo kasama kami nung nagplano sila at isama kayo... No... kung kasama man kami sa plano nila... tatanggihan namin iyon... kahit na magkaaway tayong lahat sa past... mabait pa naman kami" sabi ni nichole

Siguraduhin nyo lang na totoo yang pinagsasabi ninyo... kundi lagot kayo saakin...

"Okay... so pupuntahan lang natin yung abandoned na house at kakausapin lang sila... pero sa tinggin nyo ba na papayagan nila kayo" sabi ni rhianne

"Napagisipan rin namin yan... kaya madami kaming plano... yan nga yung plan A pero pinili namin ang Plan C" sabi ni stacy

"Ehh ano yung plano B" tanong ni delencei...

"Yung plan B namin... kami nalang ang pupunta tapos tatakutin namin sila jake... pero impossible yun" sabi ni sasha

"Pwede na sana pero... di naman yun matatakot kung takutin nyo man... mga walang takot ata yun..." sabi ni rhianne

Campus Princesses Vs The Campus HeartthrobsWhere stories live. Discover now