Chapter 10: Ethopia💖

990 19 2
                                    

Kath's POV

Nandito na kami sa labas ng school namin... dito nalang daw maghintayan... para madali nalang ang pag punta namin sa airport

Time check 6:10 am

Madami dami na rin kaming nandito.... yung apat na enggot nalang ang hinihintay namin, sila jay r at abby... wala sila kahapon kaya tinexan nalang silang dalawa ni maam...

Sila narin daw ang mag katabi sa plane at mag buddy, si ezekiel, mukhang inis parin kay abby....

Hay salamat nandito narin ang mga enggot.... umalis na rin kami agad para daw di kami mag madali papuntang airport.... akala ko 6:30 aalis... sa bagay, lahat naman na kami ay nandito na....

Nandito na kami sa isang buss na rineserve ni mom... katabi ko ang enggot ngayon... di ako makapag selfie... huhu joke, kapag may pinupuntahan kasi kami mahilig akong magselfie

Hobby na kasi namin yun ng mga kaibigan ko.... and not to mention guys.... malas nanaman ako... eh itong mga ex namin isinama ni mommy... huhuhu bakit?

Mukhang selos itong si jake.... oo sya ang ex ko.... famous din sya pero slight lang... captian ng basketball team ng campus namin....

Bakit kasi nandito sila.... eh itong enggot na katabi ko malas na saakin tapos isinama pa itong ex na 'to... di naman sila kasama sa section namin... A-2 ang section nila.... may pagka talino rin at mga playboy na rin...

Akala ko nawala na nga yun eh yung pagka playboy nya yung naging kami pero, hindi pala, nag assume ako eh....

Pinagsabay nya ako sa isang babae rin, pero wala sya dito, lumipat ng ibang school, long distant relationship ata itong dalawa....

Back to reality

Nandito na kami sa airport at pumunta sa private plane ni mommy... hay... buhay ng mga mayayaman...

Di ko mapaliwanag eh, parang may nakatitig saakin, yung titig nya parang matutunaw na ako.... parang tumayo ang mga balahibo ko... creepy...😨😨😱😱

Umupo ako sa may bintana at katabi ko naman ang enggot... nilagay ko nalang ang headset ko sa tenga ko para di marinig ang ingay ng mga kaklase ko.... kahit kaunti lang kami.... maingay parin kami...

1 hour later....

Nandito na rin kami sa ethopia..... hay, namiss ko na 'to nung bata pa ako, mahilig akong maglaro sa beach, nag bibuild ng sand castle at iba pa

One time nga nun, tinuruan ako ni dad mag surf ang astig nga ni dad... di naman yung ako lang sa board ang sasakay, sinamahan naman ako, baka daw malunod ako... kaya malapit ako kay dad eh.

"Bess! Selfie tayo!! Dali dito oh!" Sabi ni ezekiel at pumunta kami doon sa may, fountain na malaki.... nag selfie kami ng selfie di nalang namin namalayan na nakatingin silang lahat sa amin... hehe oppss.... na sobrahan ata...

Pumunta na kami dun sa mga kaklase namin... wag daw hihiwalay, baka mawala, hmp! Kahit kailan hindi ako nawawala sa island namin, dito narin ako lumaki eh...

"Oh! Ms. Cortez... punta ka dun sa guard nyo di ata kami kilala... ikaw nalang magsabi"
Sabi ni maam... takot ata sila sa guard namin.... matangkad kasi lahat ng mga guard dito... mga higante parang kapre hehe joke....

Pumunta ako sa harap ng guard namin.... seryoso ang mukha ko yung pumunta ako sa guard... sa totoo lang natatawa ako... bakit?

Huminga ako ng malalamin at sinuot ang matamis kong ngiti "yo!! Whatz up dave!! My friend!!" Sabi ko at ngumiti naman yung mga guard at nag fist bomb kami haha!! Mukha nila di maimpinta...

Campus Princesses Vs The Campus HeartthrobsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu