Huminga ako ng malalim at nagsalita. “Galit siya sa akin.” Matabang na sabi ko.

“No he’s not, Ella. Hindi nun kayang magalit sa’yo.” Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon.

Hanggang makarating kami ng labas ng hall ay pinag-iisip pa rin ako ng mga kilos ni Terrence. Minsan, hindi ko na siya maintindihan. Madalas, pinapagaan niya ang loob ko ngunit minsan naman ay papakabahin niya ako ng mga salita at babala niya. Naguguluhan ako sa kanya. Walang duda na Formosa nga siya. Kaugali niya ang nanay at kapatid niya.

Nakapamulsa si Terrence at ako ay hawak ang purse ko. “Kahit 'wag mo na akong intayin—”

 

“Just take your time, Ella.” Sumandal siya sa pader ng labas ng woman’s restroom.

Ilang segundo ko siyang tiningnan at saka ako pumasok. Huminga ako ng malalim nang nasa loob na ako. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Simple lang ang make up na ginawa sa akin. Ito rin kasi ang bilin ng designer ng cocktail dress ko ayon kay Mommy. Mas bagay raw kasi sa kulay peach kong dress ang simple ngunit eleganteng make up. Tinitigan ko pang lalo ang sarili ko. Suot ko sa leeg ang bigay na kwintas sa akin ni Vincent. Sa lahat talaga ay bumabagay iyon. Kinapa ko iyon dahil sa kabang naramdaman ko.

Dalawang bagay ang nagpapakaba sa akin ngayon. Ang pagpapakilala sa akin maya maya lang at ang hinalang galit sa akin si Vincent. Mamaya talaga, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, magpapaliwanag at magso-sorry ako sa kanya.

Ilang minuto na akong nasa loob nang may kumatok sa labas.

“Terrence, I’m coming.” Sabi ko kay Terrence na alam kong naghihintay sa akin. “God, help me.” Buntong hinga ko sa sarili. Pumikit ako at isa pang beses na humugot ng malalim na hinga matapos ay inayos ko na ang sarili at nagdesisyong lumabas na.

Napatigil ako nang imbes na si Terrence ang makita ko ay Vincent na ang nandito.

“Do you wanna be with him instead of me?” malamig na salubong niya. Agad akong umiling.

“No, Vincent. Akala ko lang…” madilim ang mga mata niya nang irapan niya ako. “Siya kasi kasama ko kanina.”

 

“And you’ve been with him since we got here. Ni hindi pa kita nakakasama. Ni hindi ko pa nasasabi kung gaano ako nagagandahan sa’yo ngayon.” Matabang na sabi niya na nagpangiti sa akin. Nakokonsensya ako pero hindi ko mapigilan ang pamimilipit ng kung ano sa tiyan ko at napapangiti nalang ako.

“At nakakangiti ka pa?” tanong niya. Lalag ang panga niya nang mas lalo akong ngumiti ng malawak.

“Pinaalis mo ba ang kapatid mo?” iniba ko ang usapan. Tiningnan ko ang papuntang hall at kahit anino ni Terrence ay wala na.

“Pinalayas ko siya. I’m the one who should be with you, Mika.” Nag-init ang pisngi ko sa tinawag niya sa akin. Na-miss ko iyon kahit kagabi lang ay narinig ko iyon sa kanya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now