"Well, hindi ako nagbibiro."


"Ouch. Stop it." Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa itsura niya. Namumula na siya dahil sa ginawa ko sa kanyang pagpingot. "Fuck."


"Tara na nga."


Napatigil ako muli nang makapasok kami sa loob. Sa dami ng lugar, bakit dito pa.


"Hey, you okay?"


Sumulyap ako kay Lance at wala sa sariling napatango. Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala ang ala-ala na 'yon. Hinila ko na rin si Lance, bago pa siya makahalata.


Nagcheck-in muna kami bago pinuntahan ang mga kasamahan ko na nag-aayos na ng mga gagamitin para sa photoshoot.


"Here,"


"I don't want that." Sabi ko nang hindi tumitingin kay Ashley. Nakaupo lang ako habang hinihintay sila na matapos sa pag-aayos.


"But ma'am-"


"Don't you understand? O baka gusto mo pang itagalog ko." Mahina ngunit ramdam mo ang inis sa aking boses. "I don't like the light color, make it dark."


Bumuntong-hininga ito na parang pinipigilan lang na mainis bago umalis. Napaismid na lang ako.


"I'm sorry for shouting you earlier." Napatigil siya sa pag make-up sa 'kin.


"Alam ko naman pong hindi niyo intensyon 'yon."


"Exactly. Can you do me a favor?"


"Ano po 'yon ma'am?"


Sinenyasan ko siya na lumapit. Bumulong ako rito na may ngisi sa aking labi.


"You don't have to worry. Ako ang bahala sayo." I gave her an assurance smile.


Napabuntong hininga siya bago tumango-tango. Napangiti na lang ako sa kawalan.


"What?!" Napahawak ako sa sintido ko nang sabihin niya na nawawala ang mga dark swimsuits na dala niya.


"Nando'n lang 'yon sa sasakyan eh."


"Are you trying to say that someone stole it? Are you kidding me?" Bahagya akong natawa na lalo n'yang kinaasar.


"Hindi ba pwede 'yon ma'am? Wala nang pinipili ang mga magnanakaw."


"You made me laugh." Napailing na lang ako. "Gumawa ka nang paraan. Maghanap ka ng dark swimsuits na kapareha no'n." Bago pa man siya makaangal ay iniwan ko na siya.


Isang taon na ang nakakalipas pero ipaparamdam ko pa rin sayo ang pakiramdam ng pang-aalila.


Isang oras na pero hindi pa rin dumadating si Ashley. Baka naligaw na 'yon. As if I care. Nasan na ba kasi si Lance? kanina pa 'yon nagpaalam sa 'kin pero wala pa rin.


Nandito ako ngayon sa isang kwarto para hintayin ang mga susuotin ko. Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko na magpapalit lang ako para makapag-simula na kami.


Nang makarinig ako nang katok sa pinto, mabilis na binuksan ko 'yon at agad na pinapasok ang nasa likod no'n.


"Are you sure walang nakakita sayo?" Tanong ko nang makapasok siya.


"Yes ma'am."


"Good." I handed her a money. Nakita ko naman sa mukha nito na parang ayaw n'yang tanggapin. "Don't be ashamed. You need money right? So, here." Inilagay ko sa kanyang palad ang pera.


"Sige na. Magpapalit pa ako." Binuksan ko muli ang pintuan. Parang gusto niya pang ibalik ang pera kaya marahan ko na s'yang tinulak palabas.


Sinuot ko agad ang swimsuit. Pinasadahan ko ng tingin ang reflection ko sa whole body mirror. I wore red swimsuit na lalong nagpalitaw sa maputi kong balat. Perfect. That's why I love dark color.


Sa unang pose ko, nakaupo ako sa buhanginan habang ang kamay ko ay nakatukod sa likod ko. Nakaharap ako sa dagat na malayo ang tingin. Nang okay na ay tumayo na ako. Ibinalot ko sa aking katawan ang towel na inabot sa 'kin.


"Sorry, natagalan ako." Hinihingal na nakayuko ang bagong dating. "Here," Parang nawala ang pagod niya nang mapatingin siya sa suot ko. "P-paanong..."


"Oh, this? Inutusan ko si Nicole na maghanap na lang din. Mas nauna nga lang siya na dumating kesa sayo."


"Imposible. Nahirapan akong maghanap nito kaya imposibleng mauna siya sa 'kin."


"Don't worry, magagamit mo pa naman 'yan. Excuse me."


Tumalikod na ako at sumunod sa mga kasamahan ko. Napangiti ako nang makarinig ako nang nilamukos na plastic. Umpisa pa lang 'yan pero mukhang talo ka na.

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now