BBR One

206 13 8
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa lakas nang kalabog ng pintuan ko.

"Missy! Gumising ka dyan at ipagluto mo 'ko ng makakain."

Agad akong bumangon at naghilamos bago ko pinagbuksan ng pinto ang kanina pang nambubulabog na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

"Ano 'yon?" Tanong ko na parang ngayon ko lang napagtantong may tao pala sa tapat ng pintuan ko.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko ipagluto mo 'ko ng makakain." Halata sa pananalita nito ang pagkainis.

"Bakit?"

"Anong bakit?!"

"Kaya mo namang ipagluto ang sarili mo diba?"

"Aba! Baka nakakalimutan mo na ako ang REYNA habang wala si Mommy."

"Ano ngayon? Tinatanong ko ba?" Bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na. "I don't care kung sino ka man o ano pa man." Iniwan ko siya doong tulala at dumiretsong kusina. Hindi para ipagluto siya, ano siya sinuswerte?

Habang busy akong kumakain, may nagdoorbell. Sino ba kasi 'yon, istorbo eh. Hindi sa wala kaming katulong eh naghihirap na kami, talagang sinadya nilang wala para utus-utusan ako.

Pagbukas ko ng pinto, bumugad sa 'kin ang isang lalaking matangkad, maputi, matangos ang ilong at kissable lips. Lahat na 'ata ng maganda nasalo niya.

"Aren't you done checking me out?" Napatigil ako sa pagtitig ko sa taong nasa harap ko.

"Yes? I mean no, hin-" Napatigil ako nang may biglang tumulak sa 'kin. Tiningnan ko nang masama iyon, ang step-sister kong magaling na ngayon ay kulang na lang ay mapunit ang labi sa lapad ng ngiti.

"Hi! Hmm have a sit." Turo niya sa sofa. Tumango lang ang lalaki bago umupo, para naman 'tong linta na sunud nang sunod.

Aakyat na sana ako papuntang kwarto ko nang tawagin ako ng babaitang 'to.

"Missy, pwede favor? Can I have some water. Please..."

Nakakahiya naman sa bisita niya kung hindi ako susunod.

"Argh! What is this?!" Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa itsura niya, namumula sa galit. Napatingin ako sa kasama niya na ngayon ay nagpipigil na nang tawa.

"You want water? I gave you a water."

"Kanina ka pa ah! Punung-puno na 'ko sayo! Ano naman gagawin ko dyan? Aahhh3t p baka ganito-" Akmang ibubuhos niya sa 'kin ang tubig na nasa timba kaya napapikit ako pero wala akong naramdamang tubig sa katawan ko.

Pagdilat ko, Oh my god. Bakit niya pa sinalo. Agad akong naghanap nang towel, pangpunas sa kanya.

"Why did you do that? Dapat hindi mo sinalo." Panenermon ko sa hindi ko naman kilala habang pinupunasan ang nabasang parte sa katawan niya.

"I can handle this." Hinawakan niya ang kamay kong may towel at kinuha 'yon. Pinunasan niya ang sarili.

"Where's Chloe?"

"I don't know." Nagkibit-balikat lang ako kasi kahit ako hindi ko alam, bigla na lang s'yang lumabas matapos ng pangyayari. Siguro napahiya sa sarili n'yang kagagawan.

Matapos n'yang magpatuyo, saka naman ang dating ni Chloe na may dalang t-shirt? Binigay niya iyon kay... Ano ba pangalan nito?

"I'm sorry Gab sa ginawa ko kanina. This, take this." Inabot niya 'yon sa nagngangalang Gab.

"Thanks." Aba! Magaling. Siya nagbigay lang ng masusuot, ako nagpunas wala man lang thank you? Magaling!

Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now