BBR Thirty

39 4 0
                                    

Third day na namin dito sa Resort. Napagpasyahan ng mga kasama nila Ashley na gumawa ng bonfire. Matagal ko nang gustong makakita nito.


Sampu kaming nakapalibot. Hindi ko kilala ang mga kasama ni Ashley at wala akong balak na kilalanin sila.


"No kill joy, okay? Promise, mag-eenjoy tayong lahat!" Humalakhak pa ito na animo'y kanina pa nakainom. Sinimulan na nitong magsalin ng wine sa shot glass at pinaikot.


Nang natapat na sa'kin ang alak. Agad akong umiling. "Hindi kase ako nainom" Sabihan na akong kill joy, I don't care.


"Oh sige, kahit isa lang" Ginatungan pa ng ibang mga kaibigan nito ang pagpilit sa'kin, kaya wala akong nagawa kundi inumin rin ito.


Maya maya pa'y nakakailang bote na sila ng wine pero ang iba sa kanila ay hindi pa nalalasing. Sanay na siguro ang mga ito.


Tinignan ko si Edward na nasa tabi ko. Naaaninag ko ang kanyang mukha mula sa liwanag na nanggagaling sa apoy. Halatang naaantok na ito dahil sa mapupungay n'yang mata.


Dahan dahan kong ipinatong ang kanyang ulo sa aking kanang balikat. Wala akong narinig mula sa kanya, iniikot niya lamang ang kanyang kamay sa aking bewang.


"Gusto mo ba bumalik na tayo sa room?" Umiling lamang ito. "Pag nakatulog ka, hindi kita mabubuhat" Biro ko rito.


"Edi iwan mo ako dito"


"Ayoko nga, baka mamaya pagpyestahan ka dyan nang kung sinu-sino" Natawa ito sa inasta ko.


Nang hindi ko na makayanan ang antok ay nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na kami ni Edward.


"Tulungan na kita" Nilingon ko ang nagsalita.


"No need. I can handle myself" Pag-awat ni Edward rito. Hindi naman siya totally na lasing, papikit-pikit lamang ito.


"What if uminom din ako? Edi walang mag-aasikaso sa'yo" Sabi ko habang pinupunasan siya.


"Alam ko namang hindi ka umiinom eh" Natatawa pa nitong sabi. Inis na inihagis ko sa mukha nito ang towel at kumuha ng damit niya pampalit.


"Oh! Magbihis ka!" Inabot nito ang damit na hawak ko at walang pasabing hinubad ang kanyang shirt sa harap ko. Agad akong tumalikod. Narinig ko ang mahinang halakhak nito.


"Ayoko pang magbihis, mainit" Nanlaki ang mata ko nang yumakap ito at maramdaman ang matigas nitong katawan sa aking likod. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa buong katawan.


"M-mainit diba? Lalakasan ko yung aircon" Hindi ako makawala sa pagkakayakap niya sa'kin dahil hinihigpitan niya lamang ito.


Mariin akong napapikit nang simulan nitong halikan ang batok ko. Shit! Pilit na tinatanggal ko ang kamay niya ngunit bigo akong gawin 'yon. Hinarap ko siya dahil mukhang mawawalan ako sa ulirat.


"Edward-" Hinalikan ako nito ngunit nanatili lamang nakatikom ang aking bibig. Nang hindi pa rin ako gumagalaw, tumigil ito.


"Can you atleast kiss me back" Nakakahiya mang sabihin, hindi ako marunong humalik.


"I'm tired. Let's sleep" Imbes na sumunod siya sa'kin ay tumalikod lamang ito at dumiretso sa pintuan. "Where are you going?" Tanong ko nang pipihitin nito ang seradura.


"Magpapahangin lang" Sabi nito bago lumabas. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Problema nun?


I admit nahihilo na ako sa ginagawa ko, kanina pa kase ako paikot-ikot dito sa loob dahil kanina pa wala si Edward. Hindi ko man lang magawang tawagan siya dahil naiwan niya ang phone niya dito sa kama. Kinakabahan na ako, baka kase ano nang nangyare dun. Lasing pa naman yun.


Nang hindi na ako makuntento sa paghihintay lang, kumuha ako ng jacket. Malamang na malamig na sa labas kaya kailangan ko nito.


May mga iilang tao pa rin na nasa labas. Bumalik ako sa pwesto namin kanina, baka kase nando'n pa sila. Tama nga ang hinala ko pero wala roon si Edward.


"Guys? Nakita niyo ba si Edward?"


"Hi Ella!" Kumaway sa akin yung madaldal kanina. Mukhang lasing na ito. "I saw them kanina, going there!" Tinuro nito ang daan. Tatanungin ko sana kung sinong them tinutukoy niya pero nakita ko na lang ito na nakayuko. Malamang na nakatulog na.


Binagtas ko ang daan na tinuro nito. Bakit feeling ko kinakabahan ako? Bawat hakbang na ginagawa ko. Nadaragdagan ang kabang nararamdaman ko. Napailing na lamang ako.


"Until when?" Napatigil ako sa paglalakad nang mabosesan ko ang nagsalita. Nagkubli ako sa isang malaking halaman. So, nandito lang pala sila.


"May usapan tayo. Pag tuluyan nang nahulog sayo si Ella. Babalik ako sayo, babalik yung dating tayo"


"Hindi ko na kailangan gawin yung gusto mo dahil alam naman natin na noon pa, may pagtingin na sa'kin si Ella. Ano pa ba gusto mong mangyari?"


"Don't tell me bumabaliktad ka na" Makikita sa mukha ni Ashley na hindi nito gusto ang iniisip niya.


"No. Pinagdududahan mo pa rin ba ako?" Ang nakakunot na noo ni Edward ay naglaho dahil lang sa simpleng hawak ni Ashley sa kanyang mukha.


"No. Gusto ko lang makita 'yong mukha niya na sobra s'yang nasaktan dahil sa ginawa natin. So, gawin mo na lang ang gusto kong mangyari hmm?" Nakita kong tumango si Edward. Ashley gave him a peck on his lips.


Tulalang nakatingin lamang ako sa dalawa. Pa'no mo nagawa sa'kin to Edward? Minahal lang naman kita ah. Gano'n mo ba talaga kamahal si Ashley para sumunod sa lahat ng gusto niya at hindi mo na naisip na may masasaktan kang iba?


Dahan-dahan akong umalis sa pinagtataguan ko dahil hindi ko na kakayanin pang makita ang susunod na mangyayari. Sapat na 'yong narinig at nakita ko para masaktan ako ng ganito.


Dali dali akong dumiretso nang cr. Tinanggal ko ang aking salamin at doon na tuluyan bumagsak ang aking luha. Tinitigan ko ang bawat patak ng aking luha. Saksi ang resort na to sa panloloko sa'kin ng dalawang 'yon. I don't know if I could face them or I'll just pretend that nothing's happened.


VOTE and COMMENT ;)

Beauty is the Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon