BBR Fourteen

60 6 3
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may mabigat na bagay na nakadagan sa'kin kaya minulat ko ang aking mga mata.


Napangiti ako ng makita ko ang gwapo n'yang mukha, nakayakap s'ya sa'kin at nakadagan ang isa nitong binti.


Kung sa araw-araw na pag-gising mo na may katabi kang gwapong nilalang syempre hindi mo maiwasang kiligin lalo na kapag mahal mo.


Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko. Maya maya pa ay gumalaw s'ya kaya tinanggal ko muna ang mga daliri ko na nasa buhok n'ya. Nang masiguro kong tulog pa s'ya I trace his nose down to his kissable lips.


Mayghad! Natetempt akong halikan s'ya.


"What are you doing?" nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatitig s'ya sakin. Hindi ko namalayan na nakalagay pa ang pointing finger ko sa lips n'ya kaya agad kong tinanggal ito at nag-iwas ng tingin.


"Para kasing namamaga yung lips mo kaya..."


"Kaya?"


"Chi-chineck ko" What a reason! Tumayo na ako at inayos ang nagusot kong damit. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya na malapit s'ya sakin. Lalo na at nakayakap pa s'ya sa'kin.


"It's not my room. Where I am?" Lumingon ako sa kanya na nakaupo na ngayon. Kahit bagong gising 'tong lalaking 'to ang gwapo pa rin.


"Hey! Are you out of your mind. What are you thinking?"


"You"


"What?!" iniling-iling ko ang ulo ko.


Waahhh nakakahiya!


"Sabi ko ikaw! You're here at my room" ngumiti ako pero nakikita ko sa mukha n'ya na hindi s'ya kumbinsido sa sagot ko. Napahawak na lang ako sa batok ko.


What's happening to me?!


"Ma-maghahanda lang ako ng breakfast" nagmadali akong lumabas ng kwarto.


Habang naghahain ako ng pagkain, saktong lumabas na s'ya ng kwarto. Ayoko s'yang tignan baka kasi mawala na naman ako sa sarili. Naramdaman kong papalapit na s'ya kaya nagsalita na ako.


"Umupo ka na dyan para makakakain"


Nagsimula na kaming kumain, maririnig mo lang ang mga kubyertos na ginagamit namin.


Awkward!


"Ehem! Why I am here anyway?" tanong n'ya sa kalagitnaan ng pag-kain. Tinignan ko s'ya na ngayon ay nakatingin sa'kin.


"Tumawag sakin yung isa sa mga tauhan ng bar na pinag-inuman mo. Sabi nila nagwawala ka don kaya pinuntahan kita" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.


Beauty is the Best RevengeWhere stories live. Discover now