“The heck your problem is Sam?! Natataranta na kami dito dahil pare-parehong unsafe ang mga buhay natin?” Halos sumigaw na si Julia. This time, si Quen na ang umaawat sa kanya.

Nagbuga ng hangin si Kuya Sam. “Isn’t this more exciting?” Sabi nito.

“Kuya.” Saway ko sa kanya.

“Anong sinasabi mo Sam? Exciting? Ang makipagpatintero sa kamatayan?” SIngit ni Quen.

“No.” Paunang sagot ni Kuya Sam, “Pinapapatay nila tayo dahil alam natin na hindi sila dapat tingalain. Na alam nilang kapag naisiwalat ang pinagagawa nila sa atin at sa dalawang nakatakda, maraming lahi ang titiwalag sa pamumuno nila. And eventually, they will be nothing.”

 

 

 

 

 

 

“Mangyayari yan kapag hindi tayo napatay ng ibang immortal, walang ibang makikinig sa atin Sam. Alam mo ba ‘yun?” Sabi ni Julia.

“Hindi lahat, Julia.” Confident si Kuya sa sinabi niya.

“Tama si Sam. Hindi lahat.” Bigkas ni Daniel.

“Bakit? May ibang immortal ba na hindi sumusunod sa konseho?” Pagtataka ni Julia.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon