BLOOD 10: TRUTH AND LIES

9.8K 185 16
                                    

 

 

"Okay na, dinala ko muna si Sam sa kwarto ko. Hinayaan ko munang makapagpahinga." Sabi ni Quen tapos bigla namang dumating si Lexi, "Oh? Lex, si Juls? Kamusta?"

"Ayun, medyo kalmado na. Dinalhan kami ni Grandma ng tsaa dun sa guest room..." Sagot ni Lexi.

"Ikaw? Ok ka lang, Kath?" Tanong naman ni Rick tapos nagtinginan sila sa akin.

I nodded kahit medyo naguguluhan at parang natatakot ako. Ewan ko ba? There's some awkward feeling inside me but I want to know what happened to Julia and Sam.

Nandito na nga pala kami kila Quen. Hindi na kami umikot sa kabilang kalsada. Kakaiba kasi 'yung nangyari kanina, napakabilis. Bigla silang nataranta lahat, nawalan ng malay si Sam na parang si Superman na natapatan ng kryptonite, at si Julia naman parang naging isang tigreng hinagisan ng sariwang manok. Lahat ng ito, nangyari sa isang iglap, at nung dumaan ang yung lalaki kasama 'yung duguang bata. Mabuti na lang at nakilala kaagad ni Julia si Quen nung niyakap niya ito. Hindi naman ako tanga kaya napansin ko ang common denominator... blood.

 "Alam kong hindi ka ok, Kath." Sabi naman ni Quen na umupo sa tapat ko. Mind reader ata 'tong lalaking ito eh, "Nababasa ko sa mukha mo."

 “Ah... Eh..." Hindi na 'ko makaimik. Hindi ko naman pwedeng sabihing nawiwirdohan na talaga ako sa kanila? Parang gusto ko na umuwi tuloy at gawin ang concept nung play, kaso palagay ko, hindi ko rin magagawa kakaisip ng nangyari ngayon.

"Maybe... It's time for you to know the reason behind the things na nangyari kanina." Sabi ni Quen.

"Reason?" -Ako.

"Oo. Siguro, dapat mo na itong malaman since kilala mo na kami." -Quen.

  

Napansin kong kumunot 'yung noo nina Lexi at Rick.

 

 

"Quen..." Tawag ni Lexi sa tonong parang pinipigilan si Quen magsalita.

"Naloloko ka na ba Quen!? Gusto mo bang mamat..." Pahabol naman ni Rick kaso 'di  na siya pinatapos ni Quen magsalita.

"Shut up. It's time for her to know." Tapos tumingin s'ya kay Rick tapos sa akin.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon