BLOOD 25: INSIDE QUEN'S MIND

6.1K 117 7
                                    

KATHRYN’s POV

Hindi kayang ipaliwanag ni Sam at Quen kung paanong nangyari ang lahat ng bagay sa simpleng paliwanag lamang. Kaya naman, pinapikit niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan.

“I will try to let you see what I remembered.” After those words said by Quen, everything turned into a black out.  Sinubukan kong imulat ang mata ko at laking gulat ko ng bigla ko na lamang napansin na para akong nahuhulog sa isang napakadilim na lugar. At hindi ako nagkamali. Bigla na lamang akong bumagsak sa isang lugar.

I tried to look for possible shadows of my friends pero wala akong nakita ni-isa. I tried to recall everything happened before I got in here and suddenly, “Shet. Am I into Quen’s mind now? Is this the past he is telling us?” I turned my head left and right. Medyo makaluma nga ang lugar pero it looks very familiar. “I think I saw this place before. Parang nakita ko na ito eh. Hindi ko lang matandaan kung saan.”

“Ang mga pinuno natin ay labis na nagagalit sa maaaring pagkabuhay ng prinsipe at prinsesa ng dalawang kaharian.” Narinig kong may nagsasalita at tila papunta sila sa direksyon kung saan ako nakatayo ngayon.

“Ang balita pa nga’y gagawa raw ng isang grupo ng mga kabataang maaaring humadlang sa kanilang pagsulpot sa mundong ibabaw.” Sabi naman nung isa.

“At bakit naman niya hahadlangan iyon? Hindi ba’t mas mabuti naman na mabuhay sila para sa ikakaunlad ng Kalipunan? Mas magiging matayog ang ating lahi!” Pagmamalaki naman nung isa. Naguguluhan ako sa sinasabi nila. Sino naman ‘yang prinsipe at prinsesa? Nasaan ba sila Julia? They should be right with me. Nang mapansin kong muli ang mga nagsasalita, nataranta ako ng sobra. Ilang dipa na lang kasi ang layo nila sa akin. Susubukan ko sanang magtago ngunit namangha ako ng lumagpas lang sila sa akin.

“Ang balita, kaya gusto silang ipapatay ng konseho ay sapagkat sila ang nakatakdang mamuno. Sadyang malalakas daw sila. Pantay ang kapangyarihang meron sila. Ngunit ang isang miyembro sa konseho, na napapabalitang kapatid ng prinsesa, ang pumatay sa kanila, ilang daang taon na ang nakalipas.”

 

 

 

 

 

 

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon