BLOOD 9: QUALMS

9.4K 182 32
                                    

 <-=KATHRYN's POV=->




The school bell rung.

Makikita mo na naman ang mga nagmamadaling nilalang ng Grande na isa-isang sinusundo ng mga naggagandahang sasakyan habang ako, heto, kasama ang tropa nila Sam, nag-i-isip ng gagawing plot para sa play.

Anong techniques kaya ang pwede kong gamitin? Eh 2 weeks na lang 'yun?

Bakit naman kasi sa lahat ng tao, ako pa ang naisipan ni Maam maghandle niyang play na 'yan? Kung sana ako na lang 'yung lead actress eh...

Lead actress?

Ano na namang pinag-i-isip ko?

Then I shook my head, realizing na may mga kasama nga pala ako.

"Anyayare sa'yo, Friend?" Sabi ni Lexi at hinawakan bigla 'yung kamay ko.

I gulped.

"I am sure, iniisip niya yung activity para sa foundation day." Sabi naman ni Sam kaya ako'y napalingon at hindi na nakapagsalita.

"Alam mo, huwag kang mag-alala, I am sure, magagawa natin yan! Isa pa, andito naman kami eh. We'll help you. Di ba guys?" Sabi naman ni Rick kaya napangiti ako.

"Yep. Tutulungan ka namin. Ang magpasaway sa'yo, ako ang magtuturo ng tamang leksyon." Sabi ni Quen then laughed, "Kaya ikaw, huwag ka ng kabahan. Two weeks is really enough."

"Thanks..." Sabi ko pero siyempre awkward pa rin makipagusap sa taong ito, kakaiba.

Weird.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon