BLOOD 56: ACTION

4.3K 135 26
                                    

KATH’S POV

Ilang oras din ang tinagal ng pag-uusap kagabi pero natapos iyon sa isang desisyon—ang bumalik na kami sa lugar na pinanggalingan namin. Uuwi na kami. Kailangan naming bumalik sa Grande dahil mukhang naroon ang lahat ng kasagutan. Kailangan din naming puntahan ang lola ni Quen. Mukhang isa siya sa mga makakasagot kung nasaan ang nawawalang hiyas.

Kaya heto kami ngayon, walang ginawa kundi ang mag-impake. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon. Maiiwan sina Tita Ruth dito, baka kasi sakaling bumalik sina Rick at Lexi. Sana lang walang nangyaring masama sa dalawang iyon.

“Aalis na tayo, guys.” Sabi ni Kuya Sam mula sa labas ng bahay kaya naghanda na akong lumabas ng kwarto. Napangiti naman ako ng makita ko ang kwintas na iniregalo ni Daniel. Sana maging kasing ganda nito ang lahat pagkatapos ng unos na ito. Sana matapos na rin ang lahat ng problema namin.

“Kath?” May kumatok sa pinto at ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay si Julia. Kaagad ko siyang pinagbuksan ng pinto.

“Julia.” Sagot ko.

“Ready ka na?” Tanong niya.

“Oo. Ilalabas ko na lang itong bag.” Sagot ko.

Biglang pumasok si Julia sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. Bigla siyang lumapit sa akin at bumulong, “May nararamdaman ka bang kakaiba kay Bea?”

 

 

 

 

 

 

Nagulat naman ako bigla sa tanong niya. Pero medyo naalwanan ako na hindi lang ako ang nakapansin noon. Pati pala si Julia. “W-wala naman.” Pagsisinungaling ko. Ayaw ko namang isipin niya na sumang-ayon ako dahil nalaman kong may nakaraan sila ni Daniel.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon