Chapter 5

103K 2.1K 132
                                    

Kabanata 5: Stay

“BAKIT hindi mo sinabi sa akin na sa mga Anderson ka nakipagdeal!?” galit na galit kong bulyaw. Kauuwi lang namin galing sa restaurant na pinagkainan namin kasama si Fire at Mr. Anderson.

Mula kanina pa ako nagtitimpi. Pinilit kong umaktong natural kanina kahit na kabaliktaran noon ang nararamdaman ko.

“You didn’t ask,” he simply said. Parang wala lang sa kanya ang galit na namumutawi sa akin.

“Pero sana sinabi mo pa rin!”

Pinukol niya ako ng matalim na tingin. “Stop shouting at me, Sassy! I am still your father!”

I bit my lower lip.

“Imbes na magkaganiyan ka riyan, we should be thankful dahil sa isang Anderson ka ikakasal.”

“Thankful?” I let out a sarcastic laugh. Hindi makapaniwala sa mga naririnig sa kanya. “What happened to you, Dad? Dahil sa pagkakaalam ko, sukdulan ang galit mo sa pamilyang Anderson. But now, pumayag ka sa offer nila. At hindi lang ‘yon, sinabi mo pang dapat tayo magpasalamat dahil sila ang naka-deal mo. Wow! Just wow! Naguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin ngayon!”

“Huwag mong ibabalik dito ang nakaraan, Sassy!” biglang sigaw niya at ang kaninang mukha niyang walang buhay ay napalitan ng galit. “Oo! Sukdulan ang galit ko sa mga Anderson, but I’m doing this for your sister! Kaya nga kahit ang sarili kong pride ay nilunok ko na!”

Parang may pumutok na ugat sa ulo ko. “Dapat noong una pa lang, sinabi mo sa akin na sa mga Anderson ka nakipagdeal—”

“Ano? Para hindi ka pumayag at hayaan na lang kaming maghirap dito?” pangpuputol niya sa akin na ikinatigil ko.

Saglit akong napaisip hanggang sa mapaklang natawa. “Oh… I get it.” Now, I understand.

He planned this. Talagang plinano niyang huwag sabihin sa akin na ang mga Anderson ang naka-deal niya para hindi ako magdalawang isip na pumayag sa plano niya. Sinadya niyang hindi sabihin sa akin ‘yon dahil alam niyang kung nalaman ko ‘yon una palang, hinding-hindi ako papayag sa gusto niya. Ang tanga ko para magpaloko sa kanya.

“Ayaw ko na, Dad. Babalik na lang ulit ako sa tahimik kong buhay, ‘yong malayo sa inyo.” Wala sa sariling kong sambit.

“You can’t, Sassy! You can’t!” namumula na siya sa sobrang galit.

“Yes, I can!” matigas kong tugon.

“You’re ruining everything, Sassy! Hindi mo ba alam kung anong mangyayari kapag umatras ka pa? I already signed the contract, Sassy. Wala ng paraan para umatras ka pa. Hindi ka na makakaatras pa!”

“Tangina!” I exploded. “Hindi mo man lang ba inisip ang mararamdaman ko bago ka pumirma sa pesteng kontrata na ‘yon, ha?”

“You should thank me, Sassy! Si Fire ang mapapangasawa mo, maitutuloy nyo na ang naudlot na ugnayan nyo noon!”

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o magwawala sa sobrang galit. Why he can’t understand my point here?

“’Yon na nga, Dad,” humina na ang boses ko. “Sa dami ng lalaki, bakit si Fire pa? Bakit isa pa sa mga Anderson? Kung anuman ang namagitan sa amin noon, matagal na ‘yon tapos! Alam mo ‘yon!” nanghina ang mga tuhod ko at napaupo sa sofa’ng nandito sa gilid ko. “Hindi mo man lang ba inisip ang mararamdaman ko kapag muli kaming nagkita? Kapag muli kaming nagkasama? Pumayag na nga ako sa gusto mong mangyari, pero bakit sa kanila pa? Bakit sa kanya pa?” nanginginig na ang labi ko. “Bakit sa kanya…” mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. “Bakit sa kanya mo pa ako ibebenta?”

Taste of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora