FINALE

3K 161 120
                                    

(Paki play po ng video na ito.. imagine nyo nalang mga bess na ito ang scenario ng 2nd wedding ni Edward and Dale. Sobrang nakakainlove yung meaning ng song at yung video swak na swak. Credit to the owner ng video na nakuha ko lang sa youtube, thank you po...)




DALE'S POV..

Isa ako sa mga babaeng nawasak ng pag-ibig. Nagmahal sa inakalang lalaki na dala ay pang habang buhay na pagmamahal. Yung akala mo makakasama hanggang sa huling hininga ng buhay mo. Pero sabi nga nila walang forever, walang true love. Kaya itinanim ko sa utak ko na hindi totoo yang love, love na yan. Masarap sa pakiramdam sa mga unang taon ng relasyon but eventually magsasawa din ang isa sa inyo. Bitter ko nuh?! At pinandigan ko ang pagka ampalaya ko noon sa buhay..

Naging man hater / bitter/ tigre ako kapag may nagtatangkang manligaw sa akin.. at isang Edward Barber ang nag enter frame sa mapait kong buhay. Sa totoo lang ni sa panaginip ko di ko naisip na magkakaroon sya ng role sa buhay ko. Wala syang ibang ginawa kundi ang asarin at insultuhin ang pagkatao ko. Diba wow na wow! At sa simpleng pagpapanggap don na nagsimula ang lahat. Ang babaeng isinumpa na ang magmahal ay muli nanamang na FALL..

Ang daming nangyari.. akala ko sa ikalawang pagkakataon mahohopia nanaman ako ng may trophy!  Pero thanks kay Papa G dahil sa mga nangyari mas matatag na kami ngayon at handa na kami sa mga pagsubok na darating sa aming buhay mag asawa. Yun naman talaga ang realidad, ang pagpapamilya ay maihahalintulad lang natin sa pag gawa ng Novel. Book II or another Chapter ng journey nang buhay.

At sinong mag aakala na ang bunsong anak ng Barber Family na may ari ng Airline company, publishing house, etc. At nabibilang sa pinakamayang pamilya ay kasama ko sa isang simpleng bahay at nagtatanim ng mga halaman...

"Babe! Okay ka lang jaan?"

"Opo Babe okay lang ako. Tama na muna yan tirik na ang araw oh. Mamayang hapon mo nanaman yan asikasuhin.." pagtawag ko sa kanya dahil nawiwili ito sa pagtatanim sa aming maliit na garden. Napag usapan namin ni Edward na after ng 2nd wedding namin ay dito kami maninirahan sa Davao. Dito sa bahay ng yumao kong lolo at lola. Dahil mas gusto namin ang simple pero masayang buhay.

"Mamaya babe, last nato.." hay naku naman talaga tong asawa ko kahit kelan..

"Aray... aray... nararamdaman kong sumasakit na ang tyan ko at parang may tubig na umagos sa binti ko ng walang tigil mukhang manganganak na ako.. "Babe.... BABE....."
Malakas kong sigaw sa kanya ngunit di ito nakikinig

"EDWARD...... MANGANGANAK NA AKO.. ARAY........"

"Ha manganganak? Sino?"

"Walang hiya ka Edwardo dalhin mo na ako sa ospital sobrang sakit na.. aray!!!"

"Oo babe anjan na papunta na ako. Sandali lang..."

Nakita kong halos magkadapa dapa na ito sa pagtakbo papalapit sa akin..

"Babe, anong gagawin ko?"

"Yung bag na inihanda natin kunin mo na tas yung susi ng sasakyan bilisan mo.."

"Oo, bibilisan ko na..." dali dali itong tumakbo at halos di ko na maintindihan ang pakiramdam ko. Sa sobrang sakit ang sarap ng manapak..

"EEEDDDWWWAARRDD.....!!!!"

"Tara na babe! Tara na!" Kakargahin na sana nya ako para misakay sa sasakyan..

Sinapak ko sya ng sobrang lakas dahil sobrang sakit at ang tagal tagal nyang maitakbo ako sa ospital.

How to heal a broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon