Nine

1.4K 94 13
                                    

"Hello Dale.."

"Oh Luis, napatawag ka?"

"Asan kana ngayon?"

"Eto nagliligpit na ng gamit pauwi na bakit?"

"Can i ask you a favor?"

"Ano un Luis?"

"Pwede bang papuntahan ko sana si Edward sa bar, andun nanaman kasi sya lasing at nagwawala nanaman.. Nasa Cebu pa kasi ako bukas pa ng umaga ang balik ko jan sa Manila.."

"Ano? Nung isang gabi lang mukhang ok naman sya.. pero sige ako na muna ang bahala sa kanya. Saang bar ba yan?"

"Text ko sayo yung address, then Dale last one paki sabi sa waiter na i charge yung mga nabasag ni Edward under my name kamo Luis Hontiveros. Kilala na nila ako.."

"Sige luis ang swerte ni Edward may pinsan syang di sya iniiwan.."

"ako na lang ang merun sya Dale, iiwan ko pa ba sya? Thanks ha? At least anjan kana at mukhang may makakatulong na ako kay Edward. Thank you talaga.."

"ano kaba, kaibigan ko na din si Edward minsan ko na syang binigo, at lagi nya akong tinutulungan everytime kailangan ko sya. kaya this time ako naman ang tutulong sa kanya."

"thanks talaga Dale, sige gotta go may meeting pa ako with our clients.."

"sige Luis, ingat ka.."

"ikaw din Dale, bye!"

-------

"susme pano ko makikita si Edward dito ang dilim dilim at ang dami ng tao, teka makapag tanong nga sa bouncer na to..  Ah excuse me sir alam nyo po ba asan po si Edward? Yung nagwawala daw po dito susunduin ko na po sana sya, kaibigan po nya ako.."

"ah ganun ho ba? Halika po at sumunod kayo sa akin. Dinala na po namin sya sa quarter namin kasi ho baka lalo pang maka perwisyo sa iba pa naming costumer.. Ayan po sya.."

Di ko alam kung makakaramdam ba ako ng awa sa taong to o asar. Theres more to life kesa lunurin nya ang sarili nya sa bisyo at alak. Akala ba nya masosolusyunan ang problema nya ng isa pang problema hay Edward...

"Edward..Edward!" sigaw ko sa kanya.. Pero mukhang lunod sa alak ang lalaking ito di na nya ako naririnig..

"ahm,, sir pwede po ba ako makahingi ng tulong? Pwde po ba natin sya isakay sa taxi di ko po talaga kaya ang bigat nya eh.."

"sige po mam.."

"ah tsaka sir paki sabi na din po sa management nyo na yung mga damage ni Edward paki charge nalang daw po sa panagalan ni Luis Hontiveros nasa Cebu pa po kasi sya for business trip eh.."

"copy mam, walang problema. Suking mambabasag na yan si sir Edward dito kaya alam kong wala tong tatakasan."

"ah ganun po ba? Salamat po sir sa pagtulong na maisakay ko sya sa taxi.."

"walang ano man Mam.."

No choice ako kundi iuwi ka nanaman sa bahay di ko naman alam san ka nakatira nakalimutan kong itanong kay Luis. Haist..

-------

"Nikki patulong naman oh ibaba natin si Edward.."

"Hoy Dale ano nanaman ang kababalaghan ginawa nyo ni Edward at ganyan sya kapagod, siguro tinodo mo ano.."

"gaga ka talaga kahit kelan ang dumi dumi ng utak mo nuh? Halika na ibaba na muna natin sya.."

"ok fine.. Naman sir Edward ano bang nangyayari at sinasayang mo ang buhay mo?"

How to heal a broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon