Part II - Thirty Six

1.3K 77 11
                                    

Halos di magkanda tuto si Dale sa kakalakad sa abot abot nyang kaba..

"Lord God.. Ito na yun. Kinakabahan ako. Baka malula ako sa dami ng tao sa labas.. Lord help..."

"Poor girl..." napalingon si Dale sa narinig na nagsalita..

"Crishia?!"

"its me, the one and only.. Grabe naman sila Edward. Ganun naba sila ka desperado para kumuha ng non-pro na model, at ikaw pa talaga ang pinagtyagaan? Baka naman magkalat ka lang sa labas at ikasira pa ng image ng kompanya ng mga Barber.."

"Excuse me?! Kung di kaba naman nuknukan ng kaartehan at sobrang feelingera eh di sana ikaw ang representative dito. Kaso sa pagfefeeling mo na hahabulin ka ni Edward tumalon ka sa kabilang stasyon at iniwan sila sa ere. Sino sa atin ngayon ang non pro? Childish!"

""how dare you!" sabay taas nito ng kamay na akmang sasampalin si Dale.

"not too fast my dear half sister..." sabay hawak ni Dale sa kamay nito.. " Masyado lang kasing makapal yang pagmumukha mo eh. Lahat nalang ng akin gusto mo din. Hindi kana bata Crishia grow up... Ano bang merun sa akin at madalas ng nasa akin ay nagugustuhan mo din?"

"Ew.. The nerve. Wala akong kinaiinggitan sayo. Anak ka ng isang kabit kaya malamang sa malamang gagawa ka talaga ng paraan para makasabit sa mayaman at mai-angat ang sarili mo. Desperada, anak ka ng kabit at disgrasyada..."

Sa galit ni Dale ay sinampal nya ng buong lakas si Crishia.

"ang kapal ng mukha mo anong karapatan mong sampalin ako ."

"kulang pa yan. Ikaw ang desperada. Yang lintik mong ama ang nanlandi sa nanay ko. Sinabi nyang binata sya at pinaasa ang mama ko. Tsaka isa pa ano bang pinuputok ng butchi mo ha? Ni minsan di kita ginulo tandaan mo yan. Di namin ginulo yang pamilya mo. Kaya di ko magets bakit kailangang ako at ako ang nakikita mo.."

"pasensya ka naging bunga ka ng kalandian ng nanay mo.. Kaya etong sayo.." sabay hablot ng buhok ni Dale at pinagsasampal sya.

Halos mapatumba na si Dale sa pagsabunot ni Crishia...

"Crishia!!!" sigaw ni Edward..

Agad nyang nasalo si Dale at hinila naman ni Marco si Crishia papalayo..

"hindi pa tayo tapos Dale tandaan mo yan.." nagsisisigaw pa din si Crishia papalayo habang hila hila sya ni Marco.

"ok ka lang babe?" pag aalalang tanong ni Edward.

"oo oo lang ako." Sagot nito habang inaayos ang buhok.

"babe kinakabahan ako.." halos sobrang lamig ng kamay ni Dale na humawak kay Edward.

"do you want us to pray?"

"tama babe.. Tama ka.."

At naghawak kamay ang mag asawa at taimtim na nagdasal..

"salamat babe ha? Sobrang gumaan ang loob ko."

"kung di ka lang makulit at matigas ang ulo ayaw ko talaga na umabot ka sa ganito. Lalabas ka ng ganyan lang suot mo haharap sa maraming tao. God! Your body should be for my eyes only... Eh pano ngayon ayan na. You will ramp infront of thousand of people at di mo alam pinagnanasahan kana pala nila..." at napa rolyo ng mata si Edward.

"Edward! Baliw to... Yan pa talaga ang nasa isip mo? Ang childish mo..."

"ako childish? Im not. Pinapaalala ko lang sayo na ang kay Edward ay kay Edward..."

"Hay naku Edward,, ew dude . Nakakadiring pakinggan.. Yuck!" napalingon ang mag asawa sa nagsalita.

"Marco?!" halos natarantang sabi ni Dale. Wala pa kasi sa kaalaman ni Dale na maayos na muli ang dalawang lalaki.

How to heal a broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon