Part II - Thirty Nine

1.4K 95 17
                                    

DALE'S POV..

Nagising ako ng ramdam ko ang bigat ng loob at bigat ng mga mugto kong mata. Hinihiling ko na sana... sana panaginip lang lahat ng nangyari kahapon. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Pero nagkamali ako, nasa ospital pa din ako, dito ang lugar kung saan ibinuhos ni Edward ang galit nya sa akin. At di ko nanaman mapigilan ang maiyak.. maya maya pa ay may nagbukas ng pinto.

"Dale? Gising kana.. buti naman. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Halata sa boses ni ate Cora ang pag aalala..

"Ok na ako ate. Medyo pakiramadam ko sobrang pagod na pagod ako.."

"Malamang epekto na yan ng sobrang stress at pressure mo the whole week. Well i have goodnews for you.." nakangiting sabi ni ate Cora. Halatang gusto nya pagaanin ang pakiramdam ko. At nanabik ako sa goodnews na sinabi nya. Sana related kay Edward ang goodnews na yon..

"Ano yun ate?" Naka ngiti kong sabi at umaasa na sabihin nyang pupunta si Edward at sya mismo ang magsusundo sa akin..

"Guess what. Eeee... " tila batang kinikilig si ate Cora..

"Ha?" Takang tanong ko sa kanya..

"We got the contract!! Cant believe it Dale as in.. worth it lahat ng pagod ng buong team lalo na ni Edward at higit sa lahat yung pagsacrifice mo.." biglang nabura ang ngiti ni ate sa mukha.

"wow talaga ate? Sabi sa inyo eh iba pag kami ni Edward ang nag tandem. Laging wagi! Yehey!" pilit kong chini cheer up ang sarili ko dahil sa totoo lang naiiyak na ako..

"at ito pa!"

"ay bushak! Ralph anjan ka pala..kanina kapa ba jan? Di man lang kita napansin. Kaloka ka! Oh ikaw ano naman yang goodnews mo?"

"ay naku girl! Naloloka ako. Andaming endorser ang nagsusuntukan para lang makuha ka nilang model. Girl iba ang kamandag mo, biruin mo sa dami ng mga pro-models duon sayo pa talaga nag aagawan kaloka.. Oh ano na ngayon si Crishia ang dami kasing arte huh! Buti nga sa kanya.."

"baliw ka talaga Ralph!"

"eh ayun na nga, so ito na dahil sa sobrang naloloka ako sa kakulitan nila, kaya sabi ko and with quote pa ha...""hey,, stop!!! She cant accept all your projects coz shes pregnant ..."" eh di yun na nga,, girl namilog mga mata nila di makapaniwala ang mga kanong iyon na jontis ka.. Kalola.. Kaya say nila after mo daw mag give birth jan sa babycles mo eh open pa din naman daw ang mga offer nila sayo. Diba? Nakaka stress sila.. Malamang never na mangyayari yon buti kung di ka na itali ni Edward ng di mo na ulit gawin to...." naputol sa pagsasalita si Ralph ng mabanggit nya ang pangalan ni Edward.  "ay sorry..." pahabol nya.

"ok lang yun!" at iyon na nga. Di na napigilin ng mga mata ko ang maluha at naibuhos ko na lahat ng luhang kanina ko pa pinigilan..

"Dale.. tama na yan di makakabuti yan sa baby mo.." hinahagod ni ate Cora ang likod ko para mapatahan ako.

"Ate si Edward..." pakiramdam ko para akong batang humihingi ng candy at nakikiusap pero bahala na ang importante mailabas ko lahat ng bigat sa dibdib ko.

"Ewan ko ba sa Edward na yan eh. Gigil talaga ako sa lalaki na yan. Ano ba inaarte nya? Safe naman ang anak nila. Ok naman si Dale. Ayan buong buo ang mag ina nya. Ano pa bang inaarte nya? Baka sa kaartehan nya eh mas lalo mapahamak tong mag ina. Pag nakita ko talaga sya naku di ko alam ano magagawa ko sa kanya. Baka makaladkad ko siya papunta  dito. Ang arte, arte..." gigil na sabi ni Ralph.

"Hey Ralph.. stop it. Di nakakatulong yang ginagawa mo. Would you please shut up!"

"K fine! Tatahimik na. " sabay alis ni Ralph sa tabi ko at umupo sa sofa na nasa loob ng kwarto.

How to heal a broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon