Day 1

14 0 0
                                    

Day 1

May kaba sa aking puso ano kaya ang makikita ko sa unang pasok ko? kahit ako'y 4rth year na hindi ko pa din alam ang gagawin ko dahil syempre ibang paaralan na naman ang aking papasukin at bagong mukha na naman ang aking makikita hindi ko din alam ang aking hula kung magiging maayos ba ang araw na'to o hindi?

Habang umaandar ang sinasakyan ko hindi ko mapigilan mag isip ng negatibo at positibo naguguluhan ako pero nakikita naman sa aking mukha na excited ako pero sa mga mata ko may halong kaba hayyyss hayaan na nga natin ito.

"Ma'am, nandito na po kayo sa inyong paaralan, mag iingat po kayo. Susunduin ko na lang po kayo mamaya"sabi sakin ni manong

Nagising ang diwa ko sa laki ng paaralan na nakita ko ang pakiramdam ko hindi ako nasa paaralan kundi nasa isang palasyo.

Namangha ako sa kalinisan ng bawat paligid, nag lalakihang mga gusali para sa mga estudyanteng nag-aaral dito.

Agaw pansin naman ang maraming bulaklak na garden ng school, may fountain sa gitna at may mga upuan.

meron ding napaka laking espasyo na maraming damo na pwedeng pampalipas oras kung magbabasa ka, makikipag jamming, gagawa ng homework, kakain o matutulog dahil sa payapang nababalot doon.

Napangiti akong lumalakad papasok sa loob ng gusali para hanapin kung pang ilan ba ang aking silid pero aking ikinagulat dahil ang daming tao.

Kaya pala wala masyadong tao sa labas ng paaralan at napaka tahimik dahil andito lahat.

Maingay ang paligid sa loob, lahat nag sisiksikan sa nakapaskil na mga section. Ang iba ay excited at nakikita sa kanilang mukha ang ngiti sa pag hahanap at pagsisiksikan nito tila ay naeenjoy nila ang mga iyon. Ang iba naman ay naiinis at naiirita dahil sa mga estudyanteng sumisingit at nang gigitgit.

Hindi ako sanay at hindi ko kayang makipag siksikan lalo na't mainit dahil sa dami ng tao
Umupo muna ako sa isang bench upang hintayin itong mabawasan.

"Ate? hindi mo ba mahanap ang section mo?"

Napalingon ako kung sa'n nang galing ang boses na narinig ko yun pala ay sa aking tabi lang hindi ko siya napansing umupo.

Tiningnan ko lang siya at binawi na agad 'yon, hindi ako sanay makipag usap sa mga hindi ko kilala dahil hindi ko pa naoobserbahan ang paaralan na ito at ang mga tao dito kaya hinayaan ko na lang tumahimik.

"eto kasi oh kumpleto baka mahanap mo d'yan"
Salita niya ulit at iwinagayway ang mga papel sa harapan ko

Inabot ko iyon dahil gusto ko din itong makita

"Pipe ka?"pangatlong narinig ka na ang kanyang boses

"Hindi, di ko lng trip ang mag salita"
Sabi ko habang hinahanap ang aking seksyon

"Hala ang galing naman! ako 'di ko natatagalan eh kaya mo bang hindi mag salita ng isang araw?"
tanong niya at tumangi naman ako

Ang dami niyang kwento at namamangha daw siya sa'kin. Kalalaking tao interesado sa lahat ng bagay tapos ayun nakita ko naman ang aking section at ang aking silid ay section C .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The days of my lifeWhere stories live. Discover now