Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 7: Don't Give A Hint

256K 5.2K 1.4K
                                    


Hindi ko nakita si Sir Bryan ng isang linggo. Sabi nila, out of the country daw ito. Kaya ngayong lunch break ay nandito na naman ako sa Chinese restaurant na kinainan ko dati. Sabi ko hindi ako bababa pero kasi hinahanap ng baby ko ito. Pero this time, sinigurado ko namang hindi mamahalin ang mga inorder ko. Lugi ako eh.

Niyaya ko si Suzette na sumama pero humindi siya kasi may baon daw siya at kailangan niyang mag stay sa building dahil sa ilang nga gawain niya na hindi pa tapos. Kaya mag isa akong pumunta dito. Dalawang blocks lang naman mula sa building namin.

Ang sasarap ng mga pagkain na gusto mo, baby. Kaya lang mamahalin din. Nako mukhang mamumulubi ata ako nito bago kapa lumabas. Natatawang kausap ko sa anak ko sabay haplos ng umbok ko. Tapos na kasi akong kumain.

"So, you're pregnant."

Nagulat ako nung biglang may sumulpot sa harapan ko ang taong isang linggo kong hindi nakikita. Akala ko sa ibang bansa siya? Nakabalik na pala.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

Naiilang ako sa pagtitig nito sa akin. Parang inaaral nito ang pagkatao ko. Shit. Baka narinig niya ang sabi-sabi ng iba tungkol sakin.

"S-Sir Bryan, pwede na po ba akong mauna? Babalik na kasi ako sa t-trabaho." Bakit lagi akong nauutal pag kaharap ko siya? Iba talaga ang epekto niya sakin. Hindi na ako magtataka bakit ako nabuntis niya. Ang galing ata nito lumandi ng babae eh. O baka maharot lang talaga ako dahil pinatulan ang kalandian niya?

"Where's your husband? Does he work? Is he working in my company too?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi nito.

Napabuntong hininga ako. Akala niya siguro may asawa ako dahil sa sinabi ng girlfriend niya. Tinago ko na sa kanya na siya ang ama ng anak ko. Ayaw ko na dagdagan pa ang kasalanan ko kaya sinagot ko siya ng totoo.

"Wala po akong asawa." Mahinang sagot ko.

Kumunot ang noo niya saka tumaas ng konti ang kilay, "Live in partner?"

Umiling ako bilang sagot.

"So, you're just in a first base relationship?"

Hindi ko alam bakit siya nagtatanong. Ayoko naman maging bastos kaya sumagot ako.

"Hindi din po. Gaya ng sabi nila sa opisina, isa lang akong disgrasyadang babae na binuntis ng lalaking hindi ko naman gaanong kilala." May pait sa boses ko the way ko sabihin yun.

Hindi naman ako galit sa kanya pero pag pinaalala niya sa akin ang paglimot niya sa nangyari samin ay doon ako naiinis. Para kasi kaming pumasok sa isang panaginip na ako lang ang tanging nakadilat ang mata.

Naging seryoso ang kanyang mukha. Siguro iniisipan na ako nito ng masama gaya ng iba.

"Hindi pinanagutan ng lalaki?" Tanong ulit niya makalipas ng isang minuto siguro.

Umiling ako ulit, "Hindi niya alam." May kung ano sa boses ko at bigla akong naiyak. Bago pa ako tuluyang maiyak dito ay agad na akong tumayo at nag paalam, "Kailangan ko na pong umalis. Late na po ako." Mabilis kong dinampot ang bag ko saka naglakad na para hindi na niya ako matawag pa.

Sa pagmamadali ko ay nakabunggo ko ang isang papasok na customer na hindi ko napansin na naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad akong nagsorry sa kanya.

"Okay lang, hija. Ito ang bag mo." Nakangiting sabi nito nung dinampot ang nahulog kong bag saka binigay sa akin.

"Salamat po." Sabi ko at umalis na.

Mabuti na lang mabait yung babae na nakabangga ko at hindi ako tinalakan kagaya nung girlfriend ni sir.

Hindi talaga ako umalis sa desk ko hanggang sa mag uwian na. Ayoko kasi makasalubong ang boss ko. Wala akong maisasagot kung sakaling magtanong na naman siya. Laking pasasalamat ko na hindi ko siya nakasalubong nung palabas na ako ng building hanggang sa tuluyang makauwi ng bahay.

icon lock

Show your support for Miss Kae, and continue reading this story

by Miss Kae
@KaeJune
Plain-looking Diana Garcia was never the type to turn heads, but her...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 33 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @KaeJune.
The Dominant CEOWhere stories live. Discover now