Chapter 13

7 3 1
                                    

"Catalina. Catalina. Asan ba si Yuri?" Tanong ni Sabrina. As you see niyaya nila ako dito sa may gilid ng fountain. Naka-upo kami roon.

Pinasama kasi ako ni Mom. Makihalubilo daw ako sa kapwa kong royalties. Napapa-iling nalang ako.

"Kasama si Archer." Nakangiteng sabi ni Catalina. Halata mo ang ngite nitong may something. Hinanap naman ng mata ko si Yuri at nakita ito sa isang table na kausap si Archer. Nagtatawanan pa nga sila sa kung ano mang pinag-uusapan nila.

Isa pa yan. Tatanungin ko na ngalang sya mamaya pag nagkataon. Pero nabanggit nadin nya na may gusto sya kay Archer. Gusto ko lang malaman ang real score between the two of them. "Ikaw Rose. May gusto ka bang makasayaw mamaya?" Tanong ni Sabrina.


Si Luke sana. Kaso 'di din. Pareho kaliwa ang paa ko, nakakahiya lang.

"I don't dance."

"Then we'll teach you. Magkaklase tayo sa Section A di ka ngalang namin masyadong napapansin dahil may sarili kaming mundo ni Catalina. Si Yuri naman ang palagi mong kasama. Nahihiya kaming lumapit sayo." Banggit pa ni Sabrina.


"Kung alam mo lang naglagay kami sa upuan mo ng Papel. Si Sabrina talaga may pakana nun. Nakasulat sa papel *Hello, kami pala si Sab at Cat* kaso dimo naman napansin. Ang epic nga. Haha." Kwento naman Ni Catalina. Wala nga akong maalala na papel. Napatango Lang ako

"Ilang taon na ba kayo?"

"Ako? 20. Yan..." Turo niya kay Catalina. "Matanda na yan, 22 na sya." Dugtong nito.

"Hoy! Maka-matanda ka dyan. 2 years lang pagitan natin." Irap ni Catalina


"Ate ko pala Kayo. 18 lang ako."

"Kaya nga. Ikaw ang bunso ng klase." Sabrina.


"Gusto mo sumali sa Club namin? Music Club?" Sabrina.

"Hindi. samin ka nalang. Mahilig ka ba sa Arts?" Tumango naman ako. "Sakto. Sa Arts Club ka nalang. Masaya sa club namin"

"Anong arts club! Sa Music Club sya nababagay. Song spellcaster daw sya sabi ni Yuri. Mas matre-train ang ability nya samin" Paliwanag ni Sabrina.

Para silang si Squidward at SpongeBob na nagsasagutan. Better version ngalang. Napatawa ako ng onti sa kakulitan ng isip ko.





Actually I don't have any plans entering a club. It's a waste of time, himbis na uuwi na ako sa bahay ay madadagdagan pa ako ng schedule. Sa di kalayuan nakita ko si Luke. Na palinga-linga. Nagtama naman ang mata namin kinalaunan. Tumigil na sya sa pag-linga at dumiretso sa direksyon ko.


I anxiously look at the two girls who's still arguing. Now on Luke.








Few more steps. "Cassian?" Biglang sulpot sa unahan ko. Kabute Lang?! Tumingin ako sa likod nito.



Where's Luke?



"Hey..." A voice so gentle. I look at my right side and Luke's standing with a smile on his face.







"Come on---/Can I have a dance." Hindi natapos ni Cassian ang sasabihin dahil sa na-distract sya sa sabay na pagsalita.




I think my heart skip a beat.




Luke...  "Tch." Tanging narinig ko kay Cassian at basta basta nalang umalis.




I saw the two girls grinning. "Sige na. Mauna na muna kami. Balikan ka nalang namin mamaya." Siniko naman ni Catalina si Sabrina at dali-dali silang umalis






I face Luke. Should I? Hindi ako marunong sumayaw.



Pero...



Pero...





"Sure." Ay bahala na. Nasa gitna na kami at nagsimula na syang mag-step ng kahit ano. "You look pretty tonight. You remind me of my late sister." Napatingin ako sa sinabi nya.




"What do you mean by that?"



"She died weeks from her 18th birthday. I was ten by then." He let out a sad smile. I felt sorry for him but he reminds me of my father, too. Dahil sa nabanggit nya ang 'death' ay bumalik na naman sa memorya ko ang sakit.



Sakit ng mawalan ng tatay




Sakit ng pang-aabuso ng Slave Trader



Sakit ng mapagtabuyan ng Step mother




In short, Sakit ng kahapon!! But I won't let that ruin my night. So let's be positive.

"Sorry to hear that... Is it fine if I ask why do you say so, that I remind you of your sister?"



"I see few similarities between you two. That's why I don't have a plan talking to you on the first day of your class " I remember nakatingin nga lang sya sa malayo nun at sobrang tahimik. Now, I know.


But in the other hand, does it mean that I'm a sister-be-like to him? Just a sister.




I think, there's a little pinch in my heart. Hays umayos ka nga Rose. Wala sa huwisyong sumayaw ako ng kahit ano. Hayaan mo nalang Rose. May chemistry naman kayo in case na magka-gusto sya sayo. I-enjoy nalang natin ang moment.




"Can I have my date back?" That voice.





The next thing I know is Cassian is holding my waist and hand. Compare kanina na one ruler distant kami ni Luke at puro step lang. Ibang style naman ng sayaw ang kay Cassian. Kaya natatapakan ko yung paa nya pag minsan.



"Geez. The ugly duckling is wearing make up. You look hilarious." Aba't!! Wala talagang kwenta kasama ang isang 'to.



"Grr!"



"Look. I didn't get you in a dance  because I want to. See the girls there?" Sinundan ko naman ang tingin nya at dumapo iyon sa mga babaeng kulang nalang lapain na si Cassian. If you know what I'm saying.



Yung mga malalagkit na tingin nila. Yung inggit sa mga mata nila. Binalik ko ang tingin kay Cassian.



Ang sama talaga nito. Kawawa naman yung mga babaeng gusto sya isayaw. Ginamit pa akong panangga. Papatayin ko na talaga to.




"Aray."



"Sorry pero sinasadya." I smirk at him. Natapakan ko na naman kasi ang paa nya, but this time sinadya ko talaga yun.








Aqua Fire Where stories live. Discover now