Chapter 12

17 4 12
                                    

Inextend nya ang braso nya "Come on. Just act like your my date." Ang kapal talaga.

"Ayoko." Pagmamatigas ko. Sa dami ng pwedeng maging escort na stuck pa ako sa supladong to?! Sabog ang araw ko kung sya ang escort ko. Party ko naman to ah? Dapat ako ang masusunod.

"Stop being annoying and grab my hand. Nangangalay na ako!" Marunong din pala mag tagalog ang isang 'to. Pwes bahala ka sa buhay mo. Iniwan ko na nga sya doon.

Naramdaman ko namang may pumulupot sa bewang ko at nadala ako nun. His brown eyes stared at me from few inches away. "H-hey! Bitawan mo ako." bumitaw naman sya at inirapan ako.

Manly glare, hindi naman sya mukhang bakla. "Now shut up and get inside the carriage." Padabog akong pumasok sa karwahe at pumasok din sya. Mas bagay sya sa gulong! Hindi ko din alam kung bat laging mainit ang dugo ko sa kanya. Presensya nya palang iritable na ako.

Kaharap ko pa talaga. Nadagdagan ang inis ko ng titigan nya ako at ngitian ng nakaka-asar. More like his way of saying 'your stuck with me.'

Gwapo ka naman sana sa tuxedo mo. Hanggang display nalang yang mukha mo. Ayoko parin sayo!! Gwapo din naman si Luke pero mabait. Ugh!

"I heard that right. That was a compliment." Tingnan mo nga naman. Biglang nagsalita mag-isa. Ahaha. Nababaliw na.

"No I'm not insane." Did I even talk to him? Alam ko sa isip ko lang yun ah

"May isip ka din pala." Adjsvydnjeo!! Aba't walang hiya!

"Ano ba? Maligno ka ba?" Asar punding tanong ko.

"No I'm not." Mabuti pa nung tahimik sya. Err. Puro kabalbalan lang ang lumalabas sa bibig. Nakakainis!! Pero teka saan galing yung boses nayun?

Teka ako ata ang namamaligno. "Stupid."ayan na naman yung boses. I got annoyed by that word.

"I'm communicating with you using my mind." Napatingin ako kay Cassian na ngayon ay nakangisi. Sa inis ko ay tinanggal ko ang heels ko at binato sa mukha nya. Pasalamat sya nasalo nya.

"Stop reading my mind. You jerk!"

" Jerk you say." Nakita ko namang nag-apoy ang Mata at kamay nya. Hinagis naman nya sakin ang heels ko at muli ko iyong sinuot.

"Joke Lang pala." Tapos nawala din ang apoy. Nananakot pa eh.

"By the way. On Saturday let's meet. I don't want bad grades because of you." Is it about the partner thing? Pfft. Swerte nya na-stuck sya sakin. Haha. Serves you right.

"sinabi mo nalang gusto mo ako makasama."

"You wish." Ang sama talaga.

"I'll teach you the basics." Dagdag information nya. Nagsimula na naman ang cold at serious voice nya. After that back to poker face na naman ito. With a blink of an eye he's Mr. Cold again. Ang bilis mag change ng mood.

Nandito na pala kami. Nauna na akong bumaba ng karwahe "Now act like a lady and hold my arms!" He extend his arms

"Fine. You don't have to be bossy. Tch. Teka. Nababasa mo ang isip ko?" Edi. Alam nya--- oh my!

"I'm not interested reading your mind. I just test it today. Pinabibigay din pala ni Lady Gia. Necklace yan. It will protect you from someone who tries to read your mind. For sure dimo pa alam gamitin ang mind block kaya kailangan mo pa yan. But only high tiers can read mind at Bihira lang naman ang meron nun" Walang ganang sagot nya. Halatang tamad na tamad sya magsalita. Freak pala talaga to. Geez. But at least safe na ang thoughts ko.

Aqua Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon