Chapter 9: Relationship Agreement

625 67 10
                                    

Chapter 9




                           ⬆️
On Photo: Shamina & Tristan





TRISTAN'S POV





"Bro, congrats!" kakapasok ko pa lang sa gate ng school bumungad na agad sa akin 'tong mukha ng tatlong asungot na 'to. Chris, David, and Lance, sino pa nga ba?

Sabi ko na nga ba papalpak na naman yung plano ko na pumasok nang maaga.





-_____-

I told them to shut their mouths dahil baka may makarinig sa kanila. "Ngayon mo pa talaga naisipang sabihin sa amin 'yan kung kailan marami nang nakakaalam. Alam na ng buong school no hindi lang kami. Alam mo ang issue parang apoy, mabilis kumalat." walang emosyong sabi ni Lance. Patalikod syang naglalakad dahil nakaharap sya sa akin habang yung dalawa magkaakbay naman na naglalakad kasabay ko.



"May mga uploaded photos kayo sa online school community natin that night, hindi mo ba alam?" sabi naman ni David. Walang invited na classmates ko sa party na 'yon and even my friends are not invited so bigla akong nagtaka kung bakit na-upload 'yon sa school community. I think Janelle was again involved in this. Anong gulo pa ba sa buhay ko ang hindi nya pinlano, tss.



"At kailan pa naging active sa school community natin yang si Tristan? Lagi ngang late 'yan sa mga tsismis dito sa campus eh." may point naman si Lance hahahaha! Such a waist of time kung makikitsismis pa 'ko no saka ang lalaki kong tao para sa tsismis. Hay! Kita nyo na ako lang talaga ang nag iisang good boy sa aming magkakaibigan.



"Kung alam ko lang na popormahan mo pala si Shamina buti pang inunahan na kita. Grabe ka naman, pare bakit mo 'ko sinasaktan nang ganito." Chris puts his hand on his chest at um-acting na parang broken hearted. As if naman masasaktan sya no. Sa sobrang playboy nga nyan halos araw-araw yata may pinapaiyak na babae pero himala ngayon wala pa syang nababanggit sa amin kung sino na bago nyang pinopormahan.

"Wow! First time ko yatang marinig 'yan sayo bro." pang-aasar ni Lance sabay biglaang tapik sa braso ni Chris na hanggang ngayon nagpapanggap pa rin na nasasaktan.



"Aha! Tara sa bar after class! My treat." nakataas pa yung kamay ni David habang nagsasalita. Ayan dyan sila magaling eh! Ang lalakas ng loob pano starting tomorrow kasi puro sports training na lang ang gagawin namin at excuse kami sa lahat ng profs. Me and Chris for martial arts then Lance and David for basketball. Actually, may training nga dapat kami mamaya kaso na-delay yung flight ng trainor namin from Thailand kahapon so sinabihan na lang kami ng USC to have some rest dahil 12hrs training kami for tomorrow uh, I mean this week. Pero mukhang pagc-club ang aatupagin ng tatlong 'to mamaya instead na magpahinga.

Nabuhayan bigla ng dugo 'tong si Chris nung marinig nya 'yon. "Para naman makapag-move on ako sa pangba-backstab sa akin ni Tristan. Ang sakit talaga eh! Tagos sa puso, grabe hindi ko matanggap!"





"Ano ba bro, ibahin mo naman 'yang line mo sawa na kami dyan." nakangising sabi ni Lance. Pati ako sawa na rin sa ganitong line ni Chris. Ang dami nyang nakikilalang girls every month pero wala pa yata syang sineryoso kahit isa. Buti na lang hindi nya pinormahan si Shamina, hay kung hindi baka dun din ang punta non. "Ang babae hindi basta-basta mauubos pero ang pasensya ko sa inyo konting-konti na lang! Magbago na nga kayo! Puro kayo bar dyan, susumbong ko kayo sa parents nyo." sigaw ko. Proud to be good boy kaya ako no hahahahaha.



Papasok na kami sa classroom nang sabihin ko 'yon kaya pagbukas ko nang pinto pinagtinginan kami ng mga classmates namin at narinig kong pinag-uusapan nila yung mga pictures na nakapost sa school community. I don't mind kung ano pang sabihin nila. Plus ano bang masama? We're in the mature age na rin naman.



Take A Chance (Under Revision)Where stories live. Discover now