Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog hanggang sa naramdaman ko nalang ang marahang haplos sa aking pisngi na nagpagising sa akin.

Halos tumalon ang puso ko ng makita ang nakatunghay na mukha ng aking asawa. Puno ng pagmamahal nyang hinihimas ang buhok ko gamit ang isa nyang kamay habang ang isa ay nakahawak sa kamay kong nasa bandang tiyan ko.

"Hey..." Malambing nyang bungad sa akin.

Hindi pa man ako ay nakakasagot ay marahan na nyang pinatakan ng halik ang aking labi dahilan para magwala ang mga paro-paro sa loob ko. Damn I miss him! Kahit kanina lang kami nagkita ay miss na miss ko parin sya. It feels like I've been longin for him for such long years.

Nangingilid ang mga luhang pinagmasdan ko sya. I raise my one hand to caress his cheeks. I want to memorize every single details of his face. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kailangan ko itong gawin dahil matagal kaming hindi magkikita. Matagal ko syang hindi makikita.

"I'm sorry..." Tuluyan ng pumiyok ang boses ko. Sobrang nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan. Maybe I'm just too guilty about what happened kaya ganito ang emosyon ko.

"Hey, baby... Hush..." Marahan nyang hinaplos ang mukha ko at pinatahan pero mas lalo lang akong umiyak.

Inalalayan nya ako para makaupo sya sa tabi ko. Agad naman akong sumubsob sa dibdib nya at yumakap ng napakahigpit. I'm being too emotional.

"Hush now baby... Tahan na hm?" Paulit-ulit nyang bulong sa tainga ko habang hinahalikan ang noo ko.

"I'm sorry about this morning." Bulong ko.

Kumalas sya saglit para iangat ang mukha ko. Kinulong nya ang magkabila kong pisngi sa kanyang mga palad at tinitigan ako ng mabuti.

"It's okay, baby... I'm sorry too. It's not your fault alone. May kasalanan din ako." Paliwanag nya.

Umiling ako. "It's my fault. Hindi kita pinakinggan. You got mad at me." Naluluhang sagot ko.

Naaalala ko na naman ang pag wa-walk out nya kaninang umaga at may kung anong kumikirot sa puso ko.

"I'll probably get jealous but I will never get mad at you, baby. I can't." Seryosong sabi nya na nagpanguso sa akin. Hindi ako naniniwala. Galit sya sa akin kaninang umaga.

"You left me because you're mad." May bahid ng tampo na sabi ko.

Ngumisi sya at mabilis na pinatakan ng halik ang aking nakangusong mga labi.

"Nagtatampo ako pero hindi ako galit, baby." Pinagdikit nya ang aming mga noo kaya halos maduling ako habang sinasalubong ang mga mata nya.

He's so gorgeous and I can't believe that this man is mine. Only mine. Hinding hindi ko sya isusuko. Hinding hindi.

"Weh? Sinasabi mo lang yan para hindi sumama ang loob ko pero alam kong nagalit ka." Hindi kombensidong sagot ko.

Humalakhak sya at hinalikan ang magkabilang pisngi ko. Pulang pula na ang mukha ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Oo, ganito parin ang epekto ni Kayden sa akin. He can always me feel like this anytime.

"I will never get mad at you, baby... Isang parte lang ng katawan ko ang kaya mong galitin." Aniya habang hinahalikan panga ko.

"What?" Nagtatakang tanong ko kahit nadadala na ako ng mga halik nya.

Halos mapatili ako ng walang kahirap-hirap nya ang ikinandong sa kanya. Nakaupo ako ng patagilid sa mga hita nya. He rested his other hand on the back of my stomach and the other one's caressing my arm.

Hindi na ako nakatiis dahil sobrang nadadala na din ako ng mga haplos nya. Ipinulupot ko ang isang braso ko sa leeg nya at mas inilapit ang katawan ko sa kanya. Nakapikit habang hinahalikan nya ng paulit-ulit ang pisngi ko.

When Forever Ends With YouΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα